Twenty-two

2.6K 72 8
                                    

AJ

Wala naman akong inaasahang kumpirmasyon mula kay Jake pero inaamin kong bahagya akong nasaktan nang hindi niya binigyang pansin yung pag-amin ko sa nararamdaman ko. 'Di ko nga rin masabi kung saan ko hinugot yung lakas para magtapat sa kanya. Basta na lang iyong lumabas sa bibig ko na wala man lang ka-warning-warning.

Akala ko kasi nararamdaman niya rin yung nararamdaman ko. Lalo na nung dalahin niya ako sa unibersidad na pinasukan niya. Pakiramdam ko ibinabahagi niya sa akin ang parte ng sarili niya, isang parteng ako lang 'yung pinatuloy niya. Dapat pala pinakinggan ko lahat ng babala niya.

Medyo naintindihan ko tuloy yung drama ni Vivian kahapon.

"What are you thinking?"

Sinulyapan ko si Jake na nakaupo sa bleacher, doon sa ibaba ng inuupuan ko pero sa halip na nakaharap sa court ay sa akin siya nakatingala. Tinanggal niya yung pang-itaas niya at nagpupunas ng pawis niya sa mukha. "Hapunan. Iniisip ko na dahil libre mo naman, pipiliin ko na yung pinakamahal."

"Ikaw na ba yung winner?"

Tinapatan ko siya ng mapanghamong tingin. "Bakit? Hindi ba?"

"Ang daya mo kasi, nandi-distract ka."

"Hala, ano naman kayang pandi-distract yung ginawa ko?"

Ngumiti siya na may halong kapilyuhan. "Ang ganda mo kasi ngayon kaya kailangan kitang protektahan sa mga horny teenagers sa loob ng court na 'to. So imbis na maging competitive, I was only protecting your virtue."

Inirapan ko siya. "Sa'yo lang naman dapat protektahan ang 'virtue' ko."

Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Magkukumento pa sana siya kaya lang tumunog yung cellphone niya. Inilabas niya iyon sa kanyan bulsa at itinapat sa tenga. "Harvey, talk to me."

Pinagmasdan ko siya habang pinapakinggan niya yung nagsasalita sa kabilang linya ng telepono. Nang mapansing nakatuon ang atensyon ko sa kanya, nginitian niya ako saka niya kinuha yung kamay ko na ipinatong niya sa hita ko. Doon niya iyon hinaplos-haplos at pinaglaruan. Isa iyon sa naging obserbasyon ko sa kanya. Mahilig siyang makiramdam gamit ang kamay niya. Hinahawakan niya yung kamay ko, hinahaplos yung pisngi, iniipit yung buhok ko sa likod ng tenga ko, at marami pang iba. Para sa isang tulad ko na madalang lang na nakakaranas ng paglalambing, lagi akong sabik sa tuwing ginagawa niya iyon.

Dati maiinis pa ko sa mga ganitong tipo ng babae. Tinatawanan siguro ako ng tadhana kasi ngayon naging isa na ako sa mga kinaiinisan at nilalait-lait ko.

"I'm available tonight... No need, imi-meet ko na lang kayo diyan. I'm bringing AJ with me." Nakinig siya sa sagot ng kausap, yung kilay niya nagsasalubong. "Shut up, Harvey. I'll see you later. And don't do anything stupid."

Iyong tawag pala na iyon ay paanyaya ni Harvey na samahan sila ni Jake na tumambay sa isang bar sa may Quezon City. Hindi hinihingi ni Jake yung opinion ko kung gusto kong sumama sa gala nilang magtotropa dahil alam na rin naman siguro niyang sasama ako. Gusto kong makilala pa si Jake lalo na yung buhay niya rito sa Maynila.

Dumaan muna kami ng condo ni Jake para maglinis ng katawan matapos pagpawisan sa basketball. Alas-dyis na halos kami nakarating sa lugar na pagpupulungan at punong-puno na ito ng tao sa loob. Hawak ang kamay ko, ginabayan ako ni Jake sa gitna ng kwarto kung saan nagsasayawan ang mga tao. Halos wala nang hangin na posibleng dumaan sa pagitan ng mga katawan nila sa sobrang lapit ng mga ito kung magsayawan.

Akala ko hindi na kami makakarating sa lamesa nila pero pagkarating ay sinalubong agad ako ni Harvey.

"AJ! Three days is such a long time to be away from you!" Ibinuka niya yung mga braso niya at yinakap ako. Napabitaw tuloy ako kay Jake.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon