Eleven

3.1K 109 14
                                    

Jake

I had the urge to punch Ezekiel in the face the first time I saw him. If not for the death grip I had on AJ's hand, I probably would have.

I did not like the smug face he directed towards his sister nang makitang hawak ko ang kamay nito. It was like he was giving her some kind of approval for being with a guy like me. Wait, mali yung term. For being with a guy like him. Dahil honestly speaking, I am only channelling heartbreaker vibes para ipamukha sa kanya lahat ng pagkakamaling nagawa niya sa buong buhay niya. Specifically, his mistake with my sister.

Hindi ako natuwa sa reaction niya. 'Di ba dapat pinipilit niyang ilayo ako sa kapatid niya? Kung alam niya lang ang intentions ko, he'll be pissing himself. Maybe it's better na ganito siya ngayon at pagdating sa huli, magsisisi siya sa pagiging pabaya niya. He won't see what will be coming for him.

I've got leverage. I've got AJ. Gusto kong lumuhod kagabi dahil finally, I've passed her defenses. Though alam kong may doubts pa siya, yung hindi niya pagbitiw sa kamay ko ay sign ng progress ko.

I drove towards their garage with new hopes, yung traces ng progress na iyon ang nagfu-fuel sa chest ko na ipursigi itong ginagawa kong ito.

Pag-park ko sa tapat ng talyer ay sarado pa ito at si AJ agad ang nakita ko kahit na hindi lang siya ang tao roon. Nagpapagpag siya ng kamay sa suot niyang overall habang nakadungaw sa hood ng isang kotseng inaayos niya. Pinunasan niya na ang noo niya gamit ang sleeves ng damit na suot but still, the lines on her forehead refused to iron out. I suddenly had the urge to go to her to straighten her frown. Hindi ako mapalagay kasi sa buong pagkakakilala ko kay AJ ay ngayon ko lang siya nakitang nakasimangot.

Just as I was about to get out, may lalaking yumapos sa kanya mula sa likod. That's when AJ started to struggle.

Nagmamadali akong lumabas ng kotse to deck the guy holding her. Nang makalapit, I slowed to a stop. Bakas sa mukha ni AJ ang irritation pero kitang-kita pa rin ang slight tilt ng lips niya as if she's enjoying being manhandled.

Napansin ata ako ni AJ kasi tumingala siya. When our eyes met, nanlaki yung sa kanya as if she was surprised to see me. Which is insane kasi alam niya namang pupunta ako ngayon. So maybe that was not surprise in her eyes. If so, then what was it?

Natanggal yung tingin niya sa akin nang batukan siya ng kasama niya. "Yes! Limang konyat na lang, ako na ang reigning champion!" Sinabayan ng lalaki ng pag-flex ng biceps bago lumapit sa isang scoreboard para markahan ang pagkapanalo niya.

"Ang daya, hindi ako lumalaban no'n! Mandurugas!" reklamo ni AJ.

"Sorry ka na lang. Next time kasi bawas-bawasan ang pagbu-beautiful eyes sa boyfriend mo. Ang aga-aga. Gusto mo na atang sumuka ako eh."

Binalik ni AJ ang attention niya sa kotse at bumulong, "Hindi ko siya boyfriend."

The guy shook his head then turned to me, his hand outstretched. "Gilbert, pare. Pinsan ko 'yang si AJ."

"Jake," I shook his hand at hindi pinansin ang pag-observe niya sa akin. I'm used to people giving me the once-over so it did not bother me one bit.

"Pinsan, mukhang yayamanin 'tong nakuha mo ah," he told his cousin as if I wasn't there.

AJ rolled her eyes at him. "Magtrabaho ka na nga lang! Magkakapera ka pa. May maipambabayad ka na sa utang mo."

"Ang kunat mo talaga," natatawang kantyaw ni Gilbert. Humarap uli siya sa'kin. "Ano'ng nakita mo sa babaeng 'to?"

I was saved from answering when a jeep pulled up. Nilapitan agad ni Gilbert yung driver at nagsimula na silang mag-usap tungkol sa problema nung driver.

The Perfect RevengeWhere stories live. Discover now