Eighteen

2.8K 86 8
                                    

AJ

Buti na lang at hindi ako pinagmaneho ni Jake.

Madilim ang daan, wala nang tao, at nang dumaan ang mga kotse. Delikado na lalo na't pakurba pa ang daan.

Malalim na ang gabi, yung tamang oras kung saan nagaganap ang karera sa may tulay.

Hindi ko naman pinipigilan si Kuya Kiel sa gusto niya. Sa tuwing lumalaban nga lang siya sa ganito ay lagi akong nababalot ng pag-aalala. Kung pwede nga lang na ipikit ko ang mga mata ko sa gawain niya na 'to, ginawa ko na. Kaya lang, sino'ng mag-aalaga at mangangaral sa kapatid ko kapag ginawa ko 'yon?

Bwisit naman. Parang ako tuloy yung mas nakakatanda.

"Talk to me," utos ni Jake.

Nilingon ko siya. Medyo madilim sa loob ng sasakyan kaya anggulo lang ng mukha niya ang nakikita ko. Simula kanina noong nagising siya hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi ang pagtalon ng dibdib ko sa tuwing tumitingin ako sa kanya. At yung alaala pa nung nagyari kagabi—kung gaano kalambot yung labi niya, yung lambing ng kamay niya sa balat ko...

"AJ."

Nanlaki yung mata ko nang maintindihan ang pinag-iiisip ko. Bwisit talaga. May sakit ata ako.

"Si Kuya Kiel. Lumalaban siya ng karerahan sa may tulay."

"Isn't that illegal?"

Tumango ako. "Matagal niya nang ginagawa 'to. Ilang beses na silang nahuhuli pero mas madalas na binabalewala ng mga nakatataas ang ginagawa nila."

"Nag-aalala ka para sa kanya."

"Malamang. Napakadelikado ng larong 'to. Hindi ito katulad ng professional racing kung saan sobra-sobra ang pokus sa kaligtasan ng nagmamaneho. Isa pa, si Matteo ang nagkokontrol sa laban."

"Ano'ng meron dito sa Matteo na 'to?"

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang kotse ni Gage sa side mirror. "Hindi siya patas makipaglaban."

Sa mga laban kung saan si Matteo ang sponsor, doon ako kinakabahan. Lalo pa't ang laki ng alitan nila ng Kuya ko.

Walang nakakaalam kung bakit ganoon na lang ang galit nila sa isa't isa. Maging ako, walang kaide-ideya. Basta sa tuwing naghahamon siya kay Kuya, hindi naman umaatras itong isa. Pareho silang gustong may patunayan at walang umaatras kaya ganito na lang lagi. Hindi ata sila titigil hangga't nabubuhay pa ang isa.

At iyon ang ikinakatakot ko.

Pagdating namin sa may tulay, may mga kumpol na ng tao na nakahilera roon. Nagkakapasahan ng pera at nahahati ang pustahan.

Itinutulak ko ang mga tao para makapasok ako pero may pumigil sa akin. "Walang pusta, walang pasok," sabi ng isang bruskong lalaki na alam kong tauhan ni Matteo.

Humila ako pera sa bulsa ko. Maliit lang ang halaga nito at hindi tatanggapin pero sana hindi niya iyon mapansin. "Ezekiel Guevarra."

Tinapatan niya ng lente ang pera saka ako inismiran. "Umuwi ka na lang sa inyo, AJ. Hindi 'to laro ng mga bata."

Ibinuka ko na ang bibig ko para magdahilang kapatid ako ng manlalaro pero may naramdaman akong presensya sa likod ko.

Inangat ko ang tingin ko na nahuli ang kay Jake. May dinudukot siya sa likod ng pantalon niya at nang makita ko ang wallet niya, alam ko na ang susunod na mangyayari. Pipigilan ko na dapat siya kaya lang nahablot na nung lalaki ang pera. Tinitigan ko pang maigi kung ilang papel iyon pero mabilis na itong naibulsa.

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon