Seven

3.5K 131 17
                                    

Jake

Friday night, as soon as the clock struck five, I rushed out of the office. Dala-dala ko na rin lahat ng trabaho ko. Balak kong tapusin sa rest house nina Gage and come Saturday morning, magpapakita uli ako kay AJ.

Bago na ang game plan ko. Since hindi ko makuha si AJ sa mabilisang approach, I'm going to take it slow. Sisimulan ko by building a friendship with her. Totoo na mas matrabaho ito pero I needed the vacation anyway. First time ko since ma-employ sa company na kumuha ng vacation. Besides, kung sisimulan ko sa pagkakaibigan, panigurado mas masakit yung blow in the end.

Never pa akong nagkaroon ng female friends before pero this is AJ. She's hardly female. Hardly. She's got the appearance, lalung-lalo na sa mukha na soft ang features, pero pagdating sa kilos, para siyang lalaki. Doon ako nahirapan sa kanya noong umpisa. Hindi ko alam kung saan ako lulugar, kung paano ko siya pakikisamahan. Kaya nga I decided for middle ground. Friendship. At kapag alam ko na kung anong mga likes niya and what makes her tick, that's when I'll strike.

Maaga akong pumunta ng talyer nila kinabukasan para ma-inform siya na nagbalik ako so that she can continue with the repairs.

Pagka-park ko, sakto namang lumabas siya. Nakita niya naman ako bigla. Her face brightened with the biggest smile I have ever seen. She smiled at me like I'm a long lost friend she finally found. Sobrang nakakahawa ang ngiti na iyon, I found myself grinning back.

Lumapit siya sa kotse and started checking it out. "Ibang kotse na naman?"

Lumabas ako at pinagmasdan ang kotse through her eyes. "This one's mine."

"Audi? Anong model?"

"S5."

Sumipol siya. Pumunta siya sa may hood at inilapat ang kamay niya rito. "Original yung makina?"

"Ewan. Pwede mong i-check later sa garage."

She scrunched up her nose. "Day-off ko ngayon."

"Pero last Saturday nagtrabaho ka ah."

Tumango siya. "Nagde-day-off ako kung kelan ko gusto. Madalas kapag naaasar na ko sa mga pinsan ko."

"Naaasar ka sa mga pinsan mo ngayon?"

"Naaasar ako sa kanila araw-araw. Kung pwede nga lang mag-day-off lagi, ginawa ko na eh. Pero hindi ako makakatrabaho ngayon, Tsekwa. May outing kami nina Rica at Cess."

I looked at her clothes. Pareho pa rin sa mga dati niyang suot. "Pupunta ka sa outing nang ganyan ang suot?"

Napatingin siya sa damit niya. "Mamaya pa naman 'yon. Mamamalengke muna ako."

"Gusto mo ihatid na kita?"

"Huwag na. Mukhang marami ka pang gagawin." She stepped away from the car. "Pupunta na lang ako sa inyo bukas, doon na lang natin ipagpatuloy ang kotse." With a hard pat on my back, naglakad na siya papunta sa sakayan ng jeep.

I was left with no choice but to follow. Iniwan ko na lang yung Audi sa parking lot nila, hoping no one will take advantage of it.

"Bakit hindi mo gamitin yung Owner mo?" tanong ko nang makahabol sa kanya.

Saglit niya akong nilingon, hindi nagkukumento sa pagsunod ko sa kanya. "Ginagamit ni Kuya Mak. Aakyatin niya kasi ang Itay sa bundok, magbababa sila ng kalakal."

"Kalakal?"

"Mga mangga, saging, mais. Ganon. Taong-bundok kasi ang Itay at halos hindi na bumababa," pagbibiro niya. But no matter how much she tried adding humor to her words, na-detect ko pa rin yung sadness sa tone niya. Maybe she misses her father. I need to ask about her family later. That's what friends do, right?

The Perfect RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon