One

99 2 1
                                    

Chapter 1.

Amusement Park.

This is where it all started...

I don't know how to do bikes but I want to learn. Ilang ulit na akong natumba at nasugatan na ako sa tuhod dahil sa tigas ng ulo. I am eager to learn how to bike! Bakit ang dali lang para kay Ate na magpedal nito?

"Hey... you should rest for the meantime," masama kong tiningnan ang lalaking panay ang pagsunod sa akin na parang buntot.

Narinig ko ang paghalakhak ni Ate sa malayo. "Hayaan mo na iyan, Julien! Gusto niyang matuto eh!"

Napasimangot ako sa sinigaw ni Ate Leishia at napairap na lamang. Masama ko pa ring tiningnan si Gabriel na nag-aalala na akong pinagmamasdan ngayon. I rolled my eyes in him and tried to do the bike again but I failed for the 5th time.

Set of tears formed in the side of my eyes. I'm frustrated! I really wanted to learn! Gusto ko nang itapon sa sapa ang bike ko at abalahin nalang ang sarili sa ibang bagay.

"Don't touch me!" I yelled at Gabriel when he tried to reach my wrist. "Bakit bah nangingialam ka? Stay away from me will you?! I don't like you!"

"Valentina!" napahikbi ako at napaigtad nang marinig ko ang boses ni Lolo Sergio.

Narinig niya siguro ang pagsigaw ko kay Gabriel pero wala akong pakialam doon. I just don't like him! Ayaw ko sa kaniya! Ayaw na ayaw ko sa kaniya! I don't want to see his face! Kahit every summer lang kami nagkikita araw-araw, ayaw ko pa rin!

Kinarga ako ni Daddy at pinatahan. I hugged him very tight. Tinago ko ang buong mukha sa leeg niya at doon umiyak nang mas malakas.

"Your daughter is being disrespectful again, Giovanni." si Lolo.

Bumuga ng hangin si Daddy. "I'll talk to her, Dad... I am sorry." mas niyakap ko pa si Daddy at suminghot. "Pasensiya ka na, hijo."

"It's fine, Tito... Maybe I just annoyed her." rinig kong sambit ni Gabriel na mas lalong nagpainis sa akin. Anong 'maybe'?! You really annoyed me!

Umiyak lang ako habang kinakarga ni Daddy papasok sa aming vacation house. Nag-alala si Lola kung bakit ako umiiyak pero nang malaman ang dahilan ay marahan lang siyang natawa at pinatahan ako.

Pinapasok nila ako sa sarili kong kwarto matapos maasikaso ang sugat ko sa tuhod. My father gently caressed my cheeks. "Don't do that again, Valentina... You disappointed your Lolo once again." marahang aniya at napanguso ako. "Julien is a good boy... you should try to make friends with him."

Humaba pa lalo ang pagnguso ko. "I already told you that I don't like him, Daddy... He is weird."

"Tsk tsk tsk. Don't say that. Julien is such a kind boy, Valentina. And he just wants what's good for you. Binabantayan ka lang niya kanina," tinakpan niya na ng kumot ang katawan ko. "Let's just talk later. You sleep for now okay?"

I nodded and hugged my pillow. Pinanood ko lang si Daddy kung paano siya lumabas ng kwarto. And minutes later, tiredness pulled me to sleep. Sobrang sarap ng tulog ko.

At dahil napasarap ang tulog ay alas 5 na ako nagising.

"This little girl is really a sleepy head," rinig na rinig ko agad ang boses ni Ate Leishia nang maalimpungatan ako.

"She's tired..." nairita tuloy ako nang marinig ko din ang boses ni Gabriel. "She really tried to learn how to do bike. Balance lang naman ang kulang sa kaniya." mahinang aniya at napairap na ako.

When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now