Fourteen

45 1 0
                                    

Read at your own risk. Mwue.

Chapter 14.

Drunk.


"Leria! Ano? Nakikinig ka bah?" napakurap ako nang ilang beses nang maramdaman ko ang marahan na pagtapik sa balikat ko. "Tulala ka, ah? Ayos ka lang?"


"H-huh? Ayos lang ako..." tugon ko.


Mas lalong kumunot ang noo ni Tessa habang may hawak na shot glass. "Kanina ka pa namin tinatawag, hindi ka man lang nakikinig. Ano'ng iniisip mo?" tanong niya at umusog palapit sa akin.


Nasa condo kami ni Weshia, napagplanuhan na uminom dahil sa successful na fashion week niya last week. I sighed heavily, thinking what was I thinking. Ah... iyon palang araw na nakita ko siya ulit tapos nalaman ko pa na girlfriend niya na si Kliency.


"Iniisip ko kung ano ang pwedeng suotin sa birthday ni Mommy," pagsisinungaling ko.


Ngumiwi si Patricia. "Iyan lang ang pinoproblema mo? Edi punta tayo sa mall bukas para makabili ka. Iyan lang naman pala eh ang dali lang masolusyonan niyan!" marahan akong natawa.


Kakabalik lang ni Patricia sa grupo namin. Her therapy sessions went really good for her. Minsan ay parang wala na sa kaniya ang mga usapin tungkol noon. We were so happy knowing about it. Mas minahal niya lalo ang kaniyang sarili sa panahon na hindi niya kami kasama.


It made her more stronger.


Patuloy kami sa pag-inom at dahil hindi ko sila pinayagan na walang pagkain, nagluto ako ng ilang pagkain. I made a pizza and lasagna.


"Tessa! Stop it!" rinig kong sigaw ni Weshia nang makalabas ako galing sa banyo. "Sabi nang huwag! Shit! He replied!" ilang beses akong napakurap sa ginagawa nila.


Tessaiya is just smirking like she did the right thing. I sighed and shook my head.


"Oh? Ano'ng reply?" si Tessa.

"Kahit kailan, ang hilig mong makialam." irap ni Pat. Tinapunan siya ng unan ni Tessa pero nasalo niya.


"I already told you that I don't like this guy," sabi naman ni Weshia habang nagtitipa sa phone niya. "At isa pa, he's gay! Gwapo siguro siya pero may tinatagong sekreto 'to." dugtong niya.


"Kahit bakla, may bagay naman siya na magpapasigaw sa 'yo sa sarap--"


"Tessa!" sabay talaga kaming tatlo sa pagsaway sa kaniya.


Ngumisi lang ang gaga at pasimpleng kumuha ng pizza sa lamesa. The door opened and Decquen Conor came in. Sobrang gulo tingnan ng buhok niya na parang galing sa isang rambol.


"Oh? Napano ka?" asik ni Patricia. "Parang may ginawa ka munang milagro bago pumunta dito, ah?"


Ngumuso si Queco. "Kung ikaw kaya ang mag-aral ng abogasya! Mas sobra pa sa akin ang aabutin mo!" asik niya pabalik at binagsak ang bag. "Gutom na gutom ako..." parang bata na aniya.


"Kumain ka, Queco." anyaya ko.


Dali-dali siyang kumuha ng pizza at 'yung container na may laman na lasagna ay kinuha niya rin. Kita ko ngang gutom na gutom siya kaya kinuha ko na ang isang pizza na nasa kusina.


I looked at him and he sighed. "Bakit ako nag-law?" paiyak na tanong niya.


"Ikaw nagsabi sa amin na gusto mong mag-abogado..." natatawang sagot ko.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now