Two

65 1 1
                                    

Chapter 2.

Mabait.



Nakatitig lang ako sa kawalan nang makarating kami sa amusement park. I even crossed my arms and did not bother to look at the boy beside me. Panay ang paghalakhak ni Ate Leishia sa tabi niya.



I closed my eyes for a second to breathe.



"Ano gusto mo sakyan, Leria?" si Ate na parang mushroom na sumulpot sa harapan ko.



Umiling ako. "Kayo nalang ang sumakay, Ate." ani ko at akma na sanang uupo sa bench na nasa malapit nang bigla akong hilahin ng maganda kong kapatid.



"Hindi ako papayag na kami lang ang sasakay! You should come with us. Bawal killjoy rito," nag-puppy eyes pa siya kahit wala namang epekto sa akin.



"Ikaw ang gumawa sa lahat ng projects at magiging projects ko for this quarter," matalim ang tingin na sabi ko.



Ngumiti siya. "Sure! Kahit sa PE subject mo! Ako na sasayaw,"



Napairap ako. "Except sa PE."



Tumawa siya at nilingon si Gabriel na naghihintay lang sa kung ano ang sasakyan na rides. Gusto ko sa vikings pero gusto ni Ate sa horror booth kaya doon kami napunta.



Hiyawan ng mga tao ang unang narinig namin. Kinakabahan ako sa ganito pero kasama ko naman si Ate kaya ayos lang.



I screamed when I felt someone touched my foot. Nagtatalon-talon ako sa takot at napahawak na sa katabi ko-- wala na akong pakialam kung sino ang niyayakap ko basta takot ako!



"Wow ha! May payakap-yakap ka na pala ngayon, Leria?" nanlaki ang mata ko dahil kay Ate Leishia na nakapameywang na sa harapan namin. "Sumbong kita kay--" naputol siya sa pagsasalita dahil napahiyaw din siya sa takot.



Mabilis kong tinulak palayo si Gabriel at umaktong umunang maglakad. I just hugged him! Unintentional iyon!



Hindi na ako nagpadala sa takot dahil ang nasa isipan ko ay ang pagyakap ko sa kaniya. He's taller than me alright! At parang ligtas ka kapag kayakap mo siya-- oh my goodness graciousness, Leria Valentina Charlotte! What are you just thinking?!



Napayakap ako sa sarili ko. Impossible! He's not that handsome for me! I don't like him!



"Huy! Hintay lang! May photobooth pa oh!" tamad kong tiningnan si Ate Leishia na hinihila na si Gabriel papasok sa photobooth.



I blowed a large breathe. I wonder what he thinks when I accidentally hugged him earlier? Aish! Bahala na. Ako yata ang natatanga rito. Stop thinking about it, Leria! Ibagok mo nalang ang ulo mo para makalimutan mo iyon.



Kumuha ako ng props at hindi ko pa nga nalalagay sa mukha nang lumabas si Ate dahil may biglang tumawag.



"Hello, Dad?" si Daddy?



Bumalik ako sa ulirat nang mapansin ko ang timer sa harapan. Shoot!



I weirdly smiled when our eyes interlocked in the monitor. Nakangiti siya, hindi nakalabas ang ngipin. May 3 shots kami pero 'di na ako nakagalaw nang maayos sa sumunod na shots.



Lumabas kami at nadatnan si Ate Leishia na may kinakausap nang lalaki-- I mean, it's a gay.



"Leria! Meet Jason, he's my classmate last year." nahihiya akong ngumiti.



When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now