Nineteen

45 1 1
                                    

Chapter 19.

Fun.


I woke up feeling so comfortable. Ang haring araw agad ang bumungad sa mukha ko. I smiled a little and thanked God for letting me have a sweet sleep.


Mas lumapad ang pagngiti ko nang maalala ang nangyari kagabi.


Oh my gosh... I was the one who initiated the kiss and he kissed me back. Kasabay ng pagngiti ko ay ang pang-iinit rin ng pisngi ko. I can still feel his soft lips right now. How he held me gently while kissing me passionately.


"Good morning, Chikay... Chikoy..." bati ko sa mga hamster kong abala na sa pagkain ng kanilang agahan.


They looked so cute.


Nakangiti akong gumawa ng sandwich at nagtimpla ng gatas para gawing agahan. I leaned my back in my seat and think of what can I do for today. It's my day-off and I am planning to go somewhere. How about I buy my needs for my quick vacation for tomorrow?


"Khairo,"


"Sana all day-off ngayon," ramdam kong nakasimangot siya sa kabilang linya.


"Baliw. Pwede namang magday-off ka rin ngayon. Ibilin mo nalang kay Fernand ang restau at samahan ako,"


"Huh? Saan ka naman pupunta?"


"Bibili ng mga gamit para bukas," ngiting sagot ko.


Nagtuloy-tuloy ang usapan namin ni Khairo at pumayag siya na iwan ngayong araw ang restaurant para samahan ako. Nagmamadali nga ang gago dahil baka mainip ako kakahintay eh magko-convoy lang naman kami.


After eating my sandwich, naligo na ako at naghanda. Nagsuot lang ako ng simpleng fit top at tattered jeans saka naglagay ng kaunting makeup sa mukha.


"Akala ko bah bibili lang tayo? Bakit ka nagpaganda?" iyon agad ang ibinungad sa akin ni Khairo paglabas ko ng bahay. "Uy! Joke lang! Joke lang! Leria!" umakto kasi akong tatanggalin ang sandals para ibato sa kaniya.


"Huwag ka nalang kasing magsalita!" asik ko. "Tara na nga! Tumataas na ang araw."


Inirapan niya ako habang nakangusong sumakay ulit sa kaniyang kotse. Sarap din talagang batukan ang isang 'to. Nang-aasar pero sa huli ay siya ang naaasar.


We were calling each other while we are driving to the nearest mall.


At nang makarating kami ay hinintay niya ako. I pinched his arm and that made him glare at me. Sinakbit ko ang aking braso sa braso niya habang pumapasok sa mall.


"Ano dadalhin mo bukas?" tanong niya.


"I will grill some pork at the beach. Ima-marinate ko ngayon para masarap na lutoin bukas. Pwede tayong maghati kung gusto mo," muli niya na naman akong inirapan. "Ano bah. Huwag mo nga akong irapan." reklamo ko at akma na naman siyang kukurotin nang mabilis siyang makabitaw.


Ang lalaking 'to...


Halos habulin ko na siya sa bilis niyang maglakad! Pero natigil din siya dahil mukhang may nakita siyang kakaiba.


Ilang hakbang nalang ang magagawa ko nang harapin niya ako at hilahin.


"Ano'ng problema?" nagtatakang tanong ko habang kinakaladkad niya ako palayo. "Khairo. Ano'ng problema? Ayos ka lang--"


"Just shut your mouth for a minute please," nagulat ako sa biglaang pagseseryuso niya.


At bago pa ako maka-react sa pinagsasabi niya ay nakita ko na ang sagot. I saw the girl that made him crazy until now who's with a guy beside her. Nagtatawanan ito na parang sila lang ang tao sa mundo. Pero napalingon sa amin si Ophelia at saglit na natigilan bago hinarap ulit ang kasama.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now