Twenty- Four

42 2 1
                                    

Chapter 24.

I'm Sorry.


Matapos ang usapan namin ni Ate ay ako na mismo ang umiiwas. Malamig niya lang akong sinusulyapan kung sakaling mapapadaan ako sa harapan niya. It scares me that Gabriel will not come.


I trust him so he will come...


Nagsalu-salo na ang buong pamilya sa malaking lamesa na hinanda ng nga tauhan ni Lolo. He looked happy but I know, may galit pa rin siya sa ginawa ko noon.


Pinagsisihan ko iyon. Thankfully, pinapansin niya ako at kinakausap.


"Ate Leria," tawag ni Chealsea sa akin. "Gusto ko pong magbanyo." agad naman akong tumayo para alalayan siya papunta sa banyo.


I kept checking my phone to see if there are any messages from Gabriel. Ang huling conversation namin ay kahapon. I asked him kung ano ang susuotin niya para naman magkapareho kami.


Natapos si Chealsea sa pagbabanyo ay doon na ako nagpasya na tawagan si Gabriel.


I bit my lower lip when he did not pick the call. Tanging pag-ring lang ang nangyari. Is he busy? He promised that he will come... Ano na ang nangyari? Dadating bah talaga siya?


"Are you okay, Ate?" napansin yata ni Chealsea ang pag-alala sa mukha ko.


"Yes, Chealsea. Ayos lang si Ate."


Inosente siyang tumango at hinila ako pabalik sa lamesa. Nagkakatuwaan na ang lahat, lalong-lalo na si Mommy at Daddy na ngayon lang nakapagpahinga sa kanilang trabaho. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung malalaman nilang may relasyon kami ni Gabriel?


Sa naging reaksiyon ni Ate kanina ay hindi niya iyon nagustohan. And why did she ask kung may nangyari sa aming dalawa?


Pareho sila ng tinanong ni Clifton...


Iniisip bah nila na naging kami lang ni Gabriel dahil nakuha niya ang pinakaiingatan ko?


Napaangat ang tingin ko sa kalangitan. Kumukulimlim at parang uulan. Khairo texted me earlier na hindi sila makakapunta ni Kaireen dahil may importanteng pupuntahan.


"Leria!" napalingon ako sa isa kong pinsan. He raised a bottle of tequila. "Let's drink! Huwag ka ngang magmukmok diyan!"


"Pass na muna, Kuya." I politely declined and they groaned.


Naramdaman ko agad ang masamang titig ni Ate Leishia. She even raised her brow to intimidate me. Parang tinatanong niya kung nasaan na ang nobyo ko. I formed my hand into a fist and excused myself to go the restroom.


Tinawagan ko na naman si Gabriel pero gaya ng nangyari kanina ay tanging pag-ring ang natanggap ko.


I texted him.


To: Gabriel

Gab, nasaan ka na?

Are you on your way?

I am waiting for you...

Sent.


Napapikit ako dahil ilang minuto ang lumipas ay wala akong nakuhang reply. Nasaan na siya? Pupunta bah talaga siya? He promised... nangako siya na pupunta siya at para malaman na rin ng pamilya ko na kami na.


I feel so weak while going back to the large table. Nawalan na ako ng ganang magsaya kasama ang mga pinsan ko.


My younger cousins are now playing in their proper places while my other cousins are now enjoying drinking together with my sister.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now