Thirty- One

29 2 1
                                    

Chapter 31.

Updates.


Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabi na iyon. Wala akong ibang naramdaman kundi sikip ng dibdib. Iniyak ko lahat sa kwarto ko, iniisip kung ano ang susunod na mangyayari sa akin ngayong wala na siya.


I turned off my phone and stared at the ceiling while crying.


Kung pwede ko lang bawiin ang mga nasabi ko kanina kay Gabriel... Ginawa ko na pero hindi eh... Mahirap na para sa akin ang bawiin ang lahat ng mga sinabi ko.


Sobrang sakit ng mga ibinato kong salita sa kaniya. The way he cried infront of me pained my heart more.


Really, Leria? Pagod ka na sa kaniya? Paano ang mga sinabi mo sa kaniya noon na kahit mawawalan man siya ng oras sa iyo ay iintindihin mo pa rin siya? Napakasinungaling ko... I'm indeed a liar. Tama si Tita Gabriella... Sinungaling ako at hindi marunong manindig sa binitawang mga salita.


Sumapit ang umaga pero pagod na pagod ang katawan ko. Alam na siguro ni Khairo ang magiging dahilan kung bakit hindi ako makakapasok sa trabaho ngayon.


Tulala ako sa pader, nakaupo sa baba ng kama habang yakap ang sariling tuhod.


'Di matanggal sa utak ko ang pag-iyak ni Gabriel. He's too precious to get hurt. He don't deserve what I did to him. His purest heart... I broke it into pieces.


Pinagsisihan ko ang lahat pero may magagawa pa bah ako?


I don't know how the days went by. Ang alam ko lang ay hindi ako kumakain, tanging pag-inom lang ng tubig ang ginawa ko sa loob ng isang linggo. Hindi ako lumabas ng bahay na kahit pagbukas ng bintana ay hindi ko magawa.


Narinig kong may nag-doorbell pero hindi ko pinansin. The door is opened so kung magpupumilit mang pumasok ang gustong pumasok, makakapasok siya.


"Leria?!" ang boses ni Ate Leishia ang narinig ko. Unti-unti kong naririnig ang yabag niya paakyat. "Leria! Where the hell are you..." she was cut off when she finally saw me sitting beside my bed. "Oh my gosh! Leria! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" she kneeled down to level my eyes.


Kumurap ako at umiwas ng tingin.


"Leave me alone..." paos ang boses na sabi ko.


"Ano'ng nangyari? Sagutin mo 'ko--"


"Ano bah, Ate!" napataas na ang boses ko. "Sabi nang iwan mo ako mag-isa! Ayaw kong makipag-usap nino man! Kaya please! Umalis ka na! 'Wag na makulit!"


Nagulat siya at hindi makapaniwala akong tiningnan. Dahan-dahan siyang tumayo at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bah na umalis nga siya.


Wala nang luhang ilalabas ang mata ko kaya hindi na ako napaiyak.


I crawled up to my bed and hugged my pillows. Sinubokan kong matulog ulit pero nang marinig ko ang tunog sa baba ay napabangon ako.


"What are you doing?" tanong ko kay Ate nang makitang naghahanap siya ng kaldero.


"Lulutoan kita,"


"I already told you to leave me alone!" sigaw ko.


Tamad niya akong tiningnan. "Bakit ka bah sumisigaw?" ngumuso siya pero 'di pa rin ako nadala. "Diyan ka na muna, lulutoan kita ng sabaw."


Galit ko siyang tinitigan. "Why are you here by the way?" tanong ko.


May kinuha siyang sangkap sa fridge. "Kasi wala ka sa restau," aniya habang kinukuha ang kutsilyo. "Sabi naman ng kaibigan mo, hindi ka maayos kaya bilang mabait at magandang kapatid, pinuntahan kita."


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now