Thirty- Three

33 1 0
                                    

Chapter 33.

Cold Stares.


I am on the stage of in denial. Ayaw kong paniwalaan ang mga sinabi ni Daddy habang kumakain kami. Nawalan ako ng gana at nawalan ng interes sa iba pa naming pag-uusap. I just can't process that the man I loved is now happy with another woman.


One year... Isang taon lang kaming nagkawalay pero ano itong malalaman ko?


Alam kong hindi kami nangako sa isa't isa na magiging kami ulit 'pag bumalik siya but my hope for our love... suddenly turned into ashes.


Para akong pinapatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I want to cry but like what Ate Leishia, I need to be tough. Kung kami ni Gabriel ang para sa isa't isa, kami talaga.


Niyakap ko ang sarili habang pinagmamasdan ang kalangitan. It's already night and it hurt me while thinking that he will be home soon... with his new fiancé


Sinubokan kong hanapin ang article tungkol sa kaniya pero kahit isa, wala akong mahanap.


He likes to keep it private.


All of a sudden, my tears started to fall. Agad ko itong pinunasan at lumanghap ng hangin. Hindi ko maiwasan na sisihin anb sarili ko. It's all my fault why we broke up without enough and valid reason. Masyado akong nagpadala sa mga sinabi ng Mommy niya kaya hindi ko nalabanan ang emosyon ko.


"I'm sorry, Gab... But I hope you are happy now in someone's arms..." umiiyak na saad ko sa hangin.


Inasahan ko nang hindi ako makakatulog nang maayos ngayong gabi kaya na-late ako sa trabaho. Kailangan pa naming maghanda sa susunod na charity event. I'm inviting all the kids in all the orphanage I visited.


Mabigat man ang pakiramdam, pinilit kong magtrabaho.


Khairo's little daughter is still here. Naglalaro siya kasama ang ilan sa waitress dahil hindi naman masyadong busy. Kakabukas pa lang kasi.


"May VIP reservation po, Ma'am Leria." sabi ni Audrey. "Ma'am?" napaigtad ako dahil tinapik niya na ang balikat ko.


"Uh sorry... What was that?"


"May gusto pong magpa-reserve," napakurap ako. "First ever customer po natin ito na gustong magpa-VIP kaya sinabihan ko po kayo."


"Really? Kailan ang gusto nilang araw sa reservation nila?" ngiting tanong ko kahit gusto ko nang mahiga para makatulog.


"By next month pa po, Ma'am."


Napakurap ako. By next month? Ang aga naman ng reservation? Hindi naman masyadong sikat ang restau namin ni Khairo. Baka kakilala ko ang nagpapa-reserve? At teka, bakit ako nag-iisip ng ganito? I should be happy about this.


Nilista ko ang date at naglagay pa ng reminder sa cellphone para sa reservation.


"Mairie, I told you to behave." narinig kong sabi ni Khairo.


I let out a soft laugh when I heard how Mairie giggled like she is teasing her father. Naaaliw ang mga customers sa kakulitan ni Mairie. 'Di naman malikot si Mairie pero mahilig siyang makipag-usap sa mga customer.


"Ang cute naman ng anak ninyo, Ma'am." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng isang customer.


Wirdo akong natawa. "She's not my daughter, Ma'am. Tita niya lang po ako," paliwanag ko at nakita ko ang dismaya sa mukha nila.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now