Thirty

38 2 1
                                    

Chapter 30.

Done.


"Leria, alas diez na. Kailangan na nating isarado ang restau." namamaga ang mata kong tiningnan si Khairo na may nag-aalalang tingin. "Ihahatid kita sa bahay mo..."


Umiling ako. "No. Ayos lang ako," I refused and stood up.


"Masakit ang ulo mo hindi bah?" tanging pag-iling lang ang ginawa ko at dire-diretsong lumabas.


While driving my way home, patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. I can't breathe properly so I opened the windows and cried so hard. Hindi ko siya kayang iwan pero ang selfish ko kung hindi ko siya paaalisin para makapunta siya ng Amerika.


Napahiga ako sa kama, tulala sa kisame.


How can I even tell him that I need to leave him?


Sinigurado kong i-lock ang pinto dahil sa mga oras na 'to, dadating siya. I don't want to face him. Ayaw kong marinig ang boses niya kahit ngayong gabi lang.


Magiging kasalanan ko kung hindi ko siya hihiwalayan pero... masakit para sa akin na iwan siya.


Hearing my phone ringing didn't surprise me. He's calling me but I did not bother to pick it up. Hanggang sa marinig ko ang pagdo-doorbell niya. I covered my whole face using my pillow and tried so hard to sleep.


Luckily, nakatulog ako.


Alam kong hindi na siya makakadaan sa bahay kada umaga dahil maaga siya sa ospital. Ipinagpapasalamat ko nalang iyon pero ang problema ay dadaan siya sa restau mamayang tanghali.


"Sana hindi ka na nagtrabaho," sabi ni Fernand nang dumating ako.


"You need me here so I need to," pilit akong ngumiti saka nagsimula nang maglinis ng mga dapat linisin.


Sumunod si Khairo na nagulat din na makitang nandito ako. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang gawain. Bigla akong nakaramdam na gusto ko na namang umiyak.


"Shit naman oh..." rinig kong saad ni Khairo at tumakbo palapit sa 'kin.


He embraced me. "Khai... Paano 'to?" nanginginig na sabi ko at mahigpit na hinawakan ang kaniyang damit sa bandang dibdib. "I can't leave him... Ayaw ko siyang hiwalayan dahil alam kong 'di na siya babalik sa akin 'pag ganoon." pag-iyak ko.


Khairo pulled me to our office. Hinagod niya ang aking likod, pilit akong pinapakalma pero hindi talaga maubos ang luha sa mata ko.


"I love him, Khairo... Mahal na mahal ko siya na kahit isakripisyo ko pa ang buhay ko para sa kaniya," I catched my breathe. "Siya lang ang lalaking kaya kong mahalin kaya bakit? Bakit nangyayari sa amin 'to?"


Mas lalo akong niyakap ni Khairo. "There's a valid reason why you need to end your relationship, Leria..." mas sumikip ang dibdib ko sa sinaad niya. "At kung anong rason man iyon, ikakabuti iyon sa inyo." 


Tinulak niya ako para mapunasan ang luhang walang tigil sa pag-agos. "Kaya tahan na... Kailangan mong maging matatag para magawa mo ang dapat mong gawin."


I don't know if his words comforted but I forced myself to be tough.


Pigil na pigil ang pag-iyak ko nang dumating si Gabriel na may maaliwalas na mukha pagpasok sa restau. Hindi ko kayang isipin na mawawala ang ganoong ekspresyon niya kung darating ang oras na dapat ko na siyang iwan.


"Hey, baby..." he sweetly greeted then planted a soft kiss in my lips. "Mukhang nakatulog ka na kagabi dahil hindi mo ako pinagbuksan." nakangusong aniya.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now