Forty- Six

35 2 0
                                    

And because it's my birthday today, I really took a time to edit this chapter and post it. To my readers who has been here on my side since I started this journey as a fiction writer...

Mahal na mahal ko kayong lahat. I dunno why but me turning 18 right now is a big deal to me. Parang dito ko itsa-challenge ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon. Before, I dreamt and wanted a Publishing Company to publish my works here in Wattpad but years had passed, I am slowly forgetting it and accepted the fact that I should thrive more. What's important to me now is I am able to share my cliche imaginations through writing a novel. I will be forever grateful to those who stayed with me up until now. And to those who are new, please stay with me.

Sobrang saya ko ngayon na kahit ang ngiti ko, 'di ko kayang iwala sa labi ko.

Happy Birthday to Kath Roca, Happy Birthday Psyche_Alfiera 🎉🎂May God bless all of us. Thank you saur much!😘👉🙈👈🫰

Chapter 46.

Deserve.


Tulala ako sa kwarto buong magdamag habang hinihintay ang updates tungkol sa sitwasyon ni Gabriel. Maghahatinggabi na pero nasa baba pa rin silang lahat, nag-uusap sa kung ano ang pwedeng gawin.


My parents are not in good terms now and it bothers me...


Gaya ko ay nagkulong si Mom sa kwarto. She wanted to talk to me but I refused. I want to be alone.


Napalingon ako sa bag na dala-dala ko kanina. I tried to find my phone and when I did, sinubokan kong tawagan si Tessa. Paniguradong alam niya na ang nangyari.


"Hello, Leria? Shit! Ayos ka lang bah?"


"Si Gabriel? Kamusta siya? Ayos na bah siya?" binalewala ko ang tanong niya dahil napahikbi na ako.


Matagal bago siya nakasagot. "Leria... Ano kasi... Hindi ko masabi sa iyo kung kamusta si Kuya Julien. Wala akong alam... Sorry,"


Naibaba ko na ang cellphone ko at mas lalong napaiyak. "Please tawagan mo 'ko kung ayos na siya... Please, Tessa... Nagmamakaawa ako." nagsusumanong saad ko.


"Oo, tatawagan kita kaagad. Magpahinga ka muna diyan,"


Ganoon lang kadali ang pag-uusap namin ni Tessa. Hindi na naman ako mapakali at ilang ulit na akong pabalik-balik sa banyo dahil sa pagsusuka. Until it dehydrates me. Mabuti ay hinatiran ako ng pagkain ni Manang kaya marami ang nakain ko dahil sa gutom at uhaw.


Sa kalagitnaan ng pagnguya ko ng pagkain ay nakapag-isip ako. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ate Leishia kanina.


I have to leave... But I am planning to leave without telling them.


Napapunas ako sa sariling pisngi. Aalis ako na hindi maganda ang kalagayan ni Gabriel. Makakaya ko bah iyon? He needs me... Sa mga oras na ito ay kailangan niya ako.


Gusto ko siyang puntahan kapag nasa maayos na kalagayan na siya. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko. He don't deserve to be hurt and left alone.


Alone... Mapait akong napangiti dahil ngayon ko lang na-realize na 'di pala siya mag-iisa kung aalis na ako.


He has his family.


Labag man sa kalooban ay naghanap na ako ng paraan para makaalis. I don't know where will I stay but I am sure hindi ako titira sa lugar kung saan madali nila akong makita.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now