Forty- Eight

43 2 1
                                    

Few more chapters to go and another story of mine will end...

Chapter 48.

Liar.


"Gabriel..."


Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang ekspresyon niya pero kita kong hindi siya natutuwa na makita ako. I stepped back when his secretary spoke to him.


"Are you really sure you want to cancel the meeting with Mr. Montoya, Sir?" meeting with Dad?


"Yes." he firmly answered while his eyes remained on me.


Napatingin na sa akin ang sekretarya niya at nagulat. "M-Miss Montoya... Nandito pala kayo. Kamusta ho?" naiilang na sabi ng kaniyang sekretarya pero nanatili akong nakatitig kay Gabriel na nakatiim na ang bagang.


Mariin akong napalunok.


Tumikhim siya. "Let's go." he said to his secretary and started to walk to leave me but before he could do it, I grabbed his arm.


"C-can we talk?" nauutal na tanong ko, inuunahan na ng paghikbi.


Parang may kung ano na bumara sa lalamunan ko nang marahas niyang hinawi ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko. "I have no time--"


"Kahit limang minuto lang," nakita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Isang minuto... please. Importante itong sasabihin ko." my voice broke while I am begging to him.


Akala ko ay hahayaan niya na akong magsalita pero ang sunod niyang sinabi ay nagpadurog sa puso ko. "My appointments are more important. And I am busy. If you want to have a meeting with me, idaan mo muna sa secretary ko para walang problema." sobrang lamig ng boses niya habang sinasabi iyon.


Nanginig ang labi ko, gusto pang magmakaawa pero 'di niya ako hinayaan.


"We have to go." iyon ang huli niyang sinabi at iniwan akong tulala.


Nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko... But I deserve this. I deserve his anger. I deserve his hatred towards me. Ilang beses na akong tumakbo palayo sa kaniya. At ang mas masakit pa ay hindi ako nagpapaalam.


I'm sorry... Iyon lang ang gusto kong isabi sa kaniya kung sakaling magkikita man kami ulit.


Tinitigan ko ang sariling repleksiyon sa salamin. As I wiped my tears, another set is coming. Napayuko na ako at napaiyak nang malakas. I am afraid for Praise but I trust God, Gabriel will accept her and love her unconditionally.


"I want to find Mommy, Tita... Where is she?" I heard Praise as I get in to my father's office. Napatayo siya at napatakbo palapit sa akin. "Mommy! What took you so long?"


Lumuhod ako para yakapin siya nang napakahigpit. "Sorry, honey..."


"It's okay..." hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "You're crying again..." komento niya at pinunasan ang pisngi ko.


Marahan akong natawa. "No. Mommy is not crying, Praise. I just washed my face so it looked like it's wet."


Ngumuso siya at ngumiti. "We should eat now. Lola and Lolo prepared a delicious food!" excited na aniya at hinila ako patungo kay Mom at Dad.


Makahulugan kong tiningnan si Ate Leishia. I am sure she knew that Gabriel is here but I shouldn't blame her. Wala siyang kasalanan dahil trabaho lang din ang ginagawa ni Gabriel dito.


"Julien cancelled the meeting?" rinig kong tanong ni Mom sa kalagitnaan ng pagkain namin.


"Praise. Eat more, baby." malambing na saad ni Ate habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Praise.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now