Seven

38 1 0
                                    

Chapter 7.

Pagkakaibigan.



"Pwede bah na iba lang ang itawag mo sa 'kin?" I started a conversation with him and luckily, he gave me all his attention. "You can call me 'Leria'... 'Valentina' as long as hindi mo ako tatawaging 'Charlotte'."



I saw how his brows raised so I sighed.



"Gusto ko kasing si Lola lang ang tumawag sa akin ng ganoon... tuwing may tumatawag sa akin ng 'Charlotte' ay naaalala ko kaagad ang nangyari sa kaniya..." paliwanag ko at mabilis nanlambot ang ekspresyon niya. Pilit akong ngumiti. "I'm still blaming myself for what happened to her kaya sana naiintindihan mo."



Saglit na katahimikan ang bumalot aa amin bago siya tumango.



"If that's what you want then I am willing to do it," ngumiti na naman siya pero ang ngiti sa mata niya ay napawi na.



"Salamat..." sincere na sabi ko.



While we are in the middle of waiting our food, panay ang text sa akin ni Ate Leishia. She knew that Gabriel treat me for dinner kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi niya sa text at ang ginawa ko ay dinedma siya.



I opened my facebook and saw my picture together with Tessa and Weshia. Si Weshia ang nag-post at naka-tag kaming dalawa ni Tessa. We looked good in there.



Nag-scroll pa ako at nakita ang post ng ilan sa mga internet friends ko.



Suddenly, I realized Gabriel and I aren't friends in any social medias I knew. Sinulyapan ko siya na abala na sa... libro na naman?



"Ano'ng binabasa mo?" tanong ko.



He stopped and made me take a look on his book. "Just a novel," tipid na aniya.



"Oh... mahilig ka pala sa mga novels?" pabulong na tanong ko at marahan siyang natawa. "Hindi halata sa mukha mo."



"Why? Ano'ng tingin mo sa mukha ko?" he asked, smirking.



"Strikto at mahirap paamuhin," diretsang sagot ko at mas lalo siyang natawa. "What? Totoo naman, ah? Sobrang suplado mo at..." naputol ako sa pagsasalita nang matauhan sa mga pinagsasabi.



We are not close...



He cleared his throat, parang nakuha kaagad ang pananahimik ko. I bit my lower lip and awkwardly smiled.



Dumating ang mga pagkain na tahimik pa rin kaming dalawa. We ate silently and only our utensils is making a sound. Natuwa ako dahil masarap ang timpla ng pagkain nila.



"Did you like it?" malapit na kaming matapos sa main course nang tanungin niya ako.



Tunog akong tumango. "Ang sarap ng mga pagkain nila," puri ko at nilingon si Miss Tanya sa gilid na napangiti sa sinabi ko. "Isasama ko si Ate rito kung may oras siya."



He laughed softly. "I'm glad you liked it here,"



"Yeah... Thank you sa pagdala sa akin dito,"



"No problem," sumilay na naman ang ngiti sa mga mata niya. "I can bring you here anytime though."



Hindi na ako tumugon, pinagpatuloy nalang ang pagkain. Our desserts was served and I did not waste any time and sipped the shake. Their banana shake is too good! Sobrang sarap, pati na rin ang mocha cake nila.



When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now