Twenty

44 1 0
                                    

Chapter 20.

Drunk.

It was fun having a short vacation together with Rubeckia. Medyo nagkainitan pa sila ni Galatheo pero mabuti at nagkaayos din. Hindi ko alam kung paano nangyari.

We are currently eating near the seaside when my eyes landed to the group of people beside us.

Namilog ang mata ko nang may makitang kilala na mukha.

"Parang may nagbabakasyon rin," ngiting sabi ni Ruby, abala sa pagnguya. "'Di bah artista ang isa sa kanila?" tanong niya.

"Kamukha lang yata," si Khairo kahit hindi nakatingin. Abala siya sa paglalagay ng hiwang cucumber sa plato ko. "Kain ka na, Leria." aniya kaya natuon ang atensyon ko sa pagkain.

'Di na yata matanggal ang mata ko kay Kliency na nagtatawanan kasama ang mga kaibigan niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit wala si Gabriel. Baka kaibigan lang ni Kliency ang kasama niya. It's not my business anymore. I have to enjoy this weekend.

Habang nililigpit namin ni Ruby ang pinagkainan. Napairap ako nang mag-asaran na ang dalawa at nagbabatuhan na ng buhangin dahilan para makaistorbo ang nasa kabilang lamesa.

"Oh my god!" hiyaw ng isa sa mga babae nang aksidenteng mapuwing sa buhangin.

"Ay sorry!" si Khairo.

Nagkatinginan kami ni Ruby. She just rolled her eyes and did not bother to call the boys. Dahil tapos na ako sa trabaho, nilapitan ko sila Khairo at binatokan. Tinawanan siya no'ng babae at napapailing na binalik ang tingin sa kasama.

I noticed how Kliency's eyes turned to me. She looked surprise. Nakita ko iyon sa reaksyon niya. While I was pulling Khairo back to our table. Nadatnan kong pinapagalitan na ni Ruby si Galatheo.

"Leria," tawag sa akin ni Khairo.

"Ano?" tamad na tugon ko at nilingon siya.

He's looking at the other table. "Hindi bah kaibigan ni Julien ang isa sa kanila?" tanong niya.

I plainly nodded. "Yeah. It's Kliency. My psychiatrist's sister."

"Oh? May kapatid pala ang doktor mo?" muli akong tumango. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Ayaw ko sa kaniya. Mukhang suplada." I unbelievably looked at him.

I chuckled. "Ang bilis mo namang manghusga." natatawang sabi ko.

"Maligo na nga tayo." aniya at iniwan ako.

I removed my beach dress, revealing my red two piece. Inayos ko ang pagkakasuot ng sunglasses at tinali ang buhok ng messy ponytail. I heard how the girls in the other table cheered. Dahil sa hiya ay hindi ko na sila tiningnan at dumiretso na sa dagat.

Natatawa akong sumunod kay Khairo na masama na ang tingin sa akin. "Masyado kang sexy! May sarong ka bah?"

"Protective mo naman!" asik ko.

"Siyempre!"

Nagkakatuwaan na sina Ruby at Galatheo na nagwiwisikan ng tubig-dagat. Mabilis ko namang tinapunan ng tubig sa mukha si Khairo kaya napasimangot ito.

"Ate Leria! Ang ganda mo!" sabi ni Ruby nang mapansin ako. "Langoy tayo? Marunong ka po bang lumangoy?"

"Hindi masyado," sagot ko.

"Rubeckia, I know how." singit ni Galatheo.

"Magsama nga kayo ni Kuya Khairo! Naiirita na ako sa mukha mo!" humagalpak sa tawa si Khairo sa narinig at bahagya pang tinapik-tapik sa likod ni Galatheo. Kawawa naman.

When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon