Thirty- Seven

33 1 1
                                    

Chapter 37.

Talk.


"What happened?" nag-aalalang tanong ni Trina kahit nakita niya na kami sa ganitong posisyon. "Are you okay? You're shaking, Leria." lumapit siya sa 'kin at hinila ako palayo kay Gabriel.


Naiilang ako at na-guilty. Saktong sumulpot si Queco na nagtataka kung bakit kami nasa labas. I'm still shaking but the way Trina held my arm gently, it made me feel relieved. Pinaupo niya ako at kumuha ng tubig.


Akala ko ay magpa-palpitate ako pero nang hagurin ni Trina ang likod ko, gustong-gusto ko nang magpasalamat.


Trina looks like she knows how to handle someone who's having an anxiety attack. I almost forgot that she graduated Psychology before becoming a model. She's amazing. No wonder why Gabriel chose her to be his bride.


"Are you okay now?" she asked worriedly which made me go back to my senses.


"Yes. Thank you..."


"What were you doing there by the way? Maalon ang dagat ngayon kaya medyo hindi balanse ang barko." tumabi siya sa inuupoan ko at nang-uusisa akong tiningnan. "Mabuti at nasundan ka ni Julien."


Napayuko ako at napatitig sa hawak kong water bottle. "I'm sorry... Hinahanap ko kasi 'yung kaibigan ko."


"Pinuntahan ko lang sila Kaireen, Leria. Ba't mo naman ako hinanap?" sabat ni Queco na 'di ko alam na kanina pa nakikinig sa amin. "Okay ka na? Malapit na tayong dadaong."


Tumango ako nang ilang beses at tumayo na. I looked at Trina who's still worried for me. "Salamat talaga..."


"No problem, Leria." tugon niya.


Nagtama ang mata namin ni Gabriel pero hindi ako nagtagal ng pagtingin sa kaniya. I felt so ashamed... Niyakap ko siya at nakita kami ng fianceé niya. I hope Trina and him would not have any misunderstandings about it.


Pagbalik ko sa lugar namin ni Patricia at Chia ay kinumbinse ko si Queco na huwag silang sabihan sa nangyari. I heaved a sigh. Mga isang oras akong nagmukmok sa gilid hanggang sa makarating kami sa isla.


Another vehicle fetch us. Pagod na ako pero feeling ko ay hindi ako makakatulog ngayong gabi.


Pagkadating namin sa resort ay dire-diretso ang paglalakad ko. I let the staffs bring my things. Maraming pumapasok sa utak ko. Bakit niya ako sinundan kanina? Alam kong hindi niya ako nakitang lumabas pero bakit?


"Leria!" natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Trina. I looked at her. Nasa tabi niya si Gabriel na tiim akong tinititigan. "How about we eat our dinner first before going to our rooms?" suggest niya.


I bit my inside cheeks and think of what can I do to make an excuse.


"I'm... tired. Hindi naman ako gutom kaya ayos lang na kayo na ang kumain. Gusto ko na kasing magpahinga." saad ko.


"Oh okay! Have a good night then!"


"Sige."


Pagsarado ko ng pinto ay napahawak ako sa sariling dibdib. Calm down, Leria... Unintentional ang pagyakap mo sa kaniya kanina. You shouldn't be affected about that situation. 'Wag mong lagyan ng malisya dahil niligtas ka lang niya sa pagkakahulog.


Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at napasapo sa noo. Ang bastos ko at hindi ko nabati sila Tessa at Kiel sa pagdating namin.


We'll be staying here for 5 days. Sa Sabado ang kasal nila Tessa at Kiel at Huwebes na ngayon.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now