Six

44 1 2
                                    

Chapter 6.

Happy.


Hingang malalim, Leria. Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang singsing na nasa kamay ko. He really prepared a silver necklace to make the ring as the pendant.


Sobrang init ng pisngi ko na para akong lalagnatin sa sobrang init.


I removed my eyeglasses and went to my vanity table to see my whole face. Ang pula ng pisngi ko! Pati na rin ang leeg ko.


"Infinity ring means unending love... so why did he give this to me?" tanong ko sa sarili sa salamin. "Mahal niya ako?" tanong ko na naman, kunwari sasagot ang sariling repleksyon ko.


Humiga ako sa kama, tinititigan pa rin ang singsing. I think I don't want to wear this at school or even in places I am going to. Ayaw kong ipaalam sa mga kaibigan ko lalong-lalo na sa magiging crush ko.


And speaking of crush! Maghahanap na kaya ako? Para hindi ako distracted kay Gabriel.


Wednesday means wash day for us students. Pwede kaming hindi mag-uniform kung gugustohin namin at good thing dahil plano kong magsuot ng tight jeans.


I ponytailed my long wavy hair. Naglagay rin ako ng kaunting pulbo sa mukha at liptint sa labi. Pagkatapos ng maikling makeup ay sinuot ko na ang glasses ko.


I'm actually wearing a tight high-waisted jeans paired with white off shoulder top. Pinaresan ko ng white doll shoes para maganda.


"Wow! Why looking so beautiful today, darling?" bungad na tanong ni Mom pagbaba ko.


I kissed her cheek. "I got this beauty from you, Mommy." I giggled.


She gently pinched my cheek. "That's my girl. Kumain ka na para mahatid ka na namin ng Daddy mo." I nodded and started to move my food.


Hindi pa gumigising si Ate since nagparty kagabi pagkatapos mahatid si Gabriel sa kanilang bahay. Narinig ko nga kila Mommy na pagsasabihan nila ito na huwag na sumama sa mga kaibigan na mahilig uminom.


Si Ate talaga. Kung ano ang gustong gawin, gagawin niya talaga.


Some of our relatives really tell na pasaway ang Ate ko samantalang ang sinasabi nila sa akin ay kabaliktaran sa ugali ni Ate.


"Honey," tawag sa akin ni Dad bago ako makababa sa kotse.


"Yes Dad?"


"Baka may meeting kami later at hindi ka namin masusundo. We asked Julien to fetch you later," si Mommy ang sumagot at napaawang ang bibig ko.


May sasakyan na... siya? Ah! Baka may driver siya at sila ang susundo sa akin.


Pumasok ako sa classroom na iyon ang iniisip. I'm overthinking. Paano kung may sasakyan na talaga siya? Ano nalang ang mangyayari sa amin sa loob ng kotse? Malamang! Daig pa ata namin ang tahimik na kuweba sa katahimikan.


"Miss Montoya?" I spaced out! "Bakit nakatayo ka pa?"


"H-huh?" wala sa sariling tugon ko.


My teacher stared at me as if I said a joke that it's not funny. "You can sit down now,"


"Ah! Sorry po..." mariin akong napapikit pag-upo ko.


Agad namang nagbulongan ang ilan sa mga kaklase ko kaya mas nadagdagan ang kahihiyan na nararamdaman ko. Sinaway naman sila ng guro namin kaya natahimik ang lahat.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now