Thirty- Four

37 2 1
                                    

Chapter 34.

Ride.


Habang naglalakad palayo ay narinig kong tinawag siya ng mga bata. I heaved a sigh and closed my eyes for a second to take a deep breathe. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, pinipigilan ang sarili na mapaluha ulit.


Ano bah, Leria. Hindi ka pa bah napagod sa kaiiyak?


"Leria, kumain ka na." paalala ni Khairo nang makalapit sa 'kin. "Dumating na pala ex mo."


"What? Alam mo na darating siya?" gulat na tanong ko.


"Oo. Hindi ko na pinaalam kasi akala ko hindi siya pupunta. Hindi siya sigurado kaya... Aray!" hinampas ko ang balikat niya.


"Walang hiya ka!" pabulong na asik ko. "Sana sinabihan mo 'ko para naman nakapaghanda ako!"


"Ano naman ang ihahanda mo? 'Di bah sabi mo ayaw mong ipakita sa kaniya na affected ka pa? Kaya bakit ka maghahanda? Just act normal," masama ko siyang tiningnan.


"Do you think madali lang talaga para sa akin na ipakita sa kaniya na hindi na ako apektado? Khairo, hindi pa nag-iisang linggo no'ng magkita kami ulit at umuwi siya na may kasama nang iba. Ano'ng ine-expect mong gawin ko? Magpa-party?" sarkastikong tanong ko.


Khairo pouted his lips. "'Di naman sa ganoon. Ang sinasabi ko lang ay umakto kang professional," inirapan ko siya. "You kept running away from him kahit wala naman siyang ginagawa."


Marahas akong napabuga ng hangin. "I don't care. Iyon lang ang magagawa ko ngayon. Ang umiwas at iproseso na hindi na talaga ako,"


"Leria naman..."


"Iwan mo na nga lang ako. Kakain na ako. Baka hinahanap ka na nila Ophelia," dire-diretso akong tumungo sa catering area para kumuha ng pagkain.


Halos katayin ko na ang pasta sa inis na nararamdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko pero ayaw ko nang umiyak.


Marami akong nakain dahil sa inis kaya ang resulta, sumakit ang tiyan ko. Bigla akong tinawag ng mga bata. Pinuntahan ko sila. Nandito pa rin si Gabriel, may kinakargang bata na nilalaro ang pisngi niya.


I stopped myself to let out a chuckle.


"Ate Leria! Marunong ka po bang kumanta?" tanong ni Rhys.


Each of the kids has their name tag so it's easy for me to know them. Umiling ako. "Medyo marunong na hindi?" marahan akong natawa.


"Kantahan n'yo po kami!" hiyaw ni Rhys at sumang-ayon ang ilang bata.


My eyes widened in fraction. Sana sinabi ko nalang na hindi ako marunong. I sighed. Ano kakantahin ko? I stood up and a staff handed me the wireless microphone. Umupo ako ulit at nag-isip ng kung ano ang kakantahin.


"Ayos lang sa inyo kahit anong kanta?" tanong ko.


"Opo!" sabay nilang sagot.


Naagaw ko na ang atensyon ng lahat. Gusto ko nang magpalamon sa lupa nang sumigaw si Khairo na 'Kakanta na iyan!' kaya ang nangyari, sinunod siya ng bata.


Ang napili kong kanta ay iyong kalmado lang. Ayaw nila 'yung mga kanta na naririnig sa internet. Ang demanding pero bata sila at bisita ko sila.


Tinaas ko ang kamao ko kay Khairo at tinawanan niya lang ako. I cleared my throat when the song started.


'I walked through the door with you

When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now