Thirty- Six

29 1 0
                                    

Chapter 36.

Liam.


"You okay?" tanong ni Liam matapos naming iwan si Gabriel.


I smiled at him. "I am fine, what makes you asked that?" tanong ko rin pabalik at bahagyang sinakbit ang braso sa kaniya. "Gutom ka na? Kumain na muna tayo?"


"Sure..." aniya at marahan na natawa.


I glanced at Gabriel. He looked angry now but I don't know why so I did not bother to mind it. Kumain kami ni Liam at habang kumakain ay may tinitingnan siya. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya at nakitang papalapit sa banda namin si Gabriel.


Oh my god! Nasaan bah ang fianceé niya at hinahayaan itong lumapit sa amin? I think he's at break now since all the kids are done with their dental checkup.


I stopped myself from rolling my eyes.


Akala ko ay kami ang lalapitan niya pero parang nadismaya ako nang lagpasan niya kami at lapitan si Trina na nasa kabilang table.


"Bad mood yata si Doc?" rinig kong bulong ng isa sa mga staff.


"Baka nag-away siguro sila ni Ma'am Trina," sagot naman ng isa. "Hindi naman ganito si Doc kanina. Ano kayang problema?"


Kung matatakpan ko lang talaga ang tenga ko, gagawin ko. Tinuon ko ang buong atensyon kay Liam na nakangiti lang, parang walang problema. His dimples looked so cute.


"Free ka bah this weekend, Leria?" tanong niya.


Napaisip ako. "Yeah. Why?"


"Balak sana kitang dalhin sa farm namin," napakurap ako. "Pwede tayong pumunta at mag-stay doon. Season na kasi ng mga mangga ngayon kaya..."


Oras ko na sigurong maglaan ng panahon para sa sarili. I've been thinking the restaurant all the time. Palagi kong iniisip ang renovation at pagtayo ng panibagong branch with partnership ni Theofil. Nagpaplano na rin akong magtayo ng coffee shop kaya minsan ay drain ang utak ko.


'Di ko napansin na napatitig na ako kay Liam.


Bakit ganoon? Kung si Gabriel ang tinititigan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko... pero bakit kay Liam ay iba ang nararamdaman ko? I just feel... nothing.


Unti-unti akong napangiti. "Sige bah! Gusto ko iyan!" his eyes widened, couldn't believe what I said.


"Talaga?"


"Oo. Mahilig kaya ako sa mangga," natatawang sabi ko.


He chuckled. "Mahilig din ako sa mangga," aniya kaya nagtawanan kami.


We talked alot of things about their mango farm. He shared how he fell alot of times in a tree. Tawa ako nang tawa at 'di na napapansin na may nakatitig na naman sa akin.


Gabriel is dartly staring at me, pansin na pansin ko iyon dahil panay ang pagsulyap ko sa kaniya. I can see Trina is talking to him and he's not listening.


Nang magtama ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay.


The nerve of this guy...


"Where are you going?" tanong ni Liam nang tumayo ako


"I'll just go to the restroom," sabi ko at akma na sana siyang tatayo. "No, stay there. I will be fine."


"Oh... okay."


I pulled my sling bag and walked towards the restroom. Pagpasok ko ay siyang pagtulak ng kung sino sa akin sa loob. Muntik na akong mapasigaw dahil baka may nakapasok na masamang tao at ako ang unang bibiktimahin.


When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon