Forty- Two

30 1 0
                                    

Chapter 42.

Plan.


"I told you! Ayaw kong kumain," tatlong araw nang ganito si Ate sa tuwing bumibisita ako sa kaniya sa bahay. "Mom! Ano bah! Huwag niyo akong pilitin!" I can hear her screams inside.


"Leishia... you need to eat para magkalakas ka. 'Wag mo naman pahirapan ang sarili mo--"


"Sabi nang ayaw ko! Wala akong gana! Water is enough for me so stop!" may narinig akong nabasag sa loob kaya nabahala ako. "Just leave me alone! Get out! Get out!"


Binuksan ko ang pinto at natigil silang dalawa nang lumantad ako sa kanilang harapan. Magkasalubong ang kilay ni Ate at agad na umiwas ng tingin matapos niyang mapansin na nakatitig ako sa kaniya.


Tinulongan ko si Mommy sa pagpulot ng mga nakalat na pagkain sa sahig. I stopped her to pick the broken pieces of glass. Nalulungkot ko siyang pinagmasdan. Kagaya ni Ate, walang maayos na pahinga si Mommy. She couldn't go to work with Dad because of my sister.


"Ako na ang bahala dito, Mom..." mahinang saad ko sa ina ko.


"Pakainin mo siya please? Mas lalong pumapayat ang Ate mo sa nagdaang araw..." tinangohan ko siya upang makaalis na.


Pagharap ko kay Ate ay nakahiga na siya, nakatalikod sa gawi ko.


"Ate..." marahang tawag ko sa kaniya.


Pinulot ko ang mga picture frames na nakalat no'ng magwala siya kanina. I sighed as I looked at her smiling face in the frame. Kailan ko 'to makikita ulit?


Maingat akong umupo sa kama. "You can tell me what's wrong, Ate. Hindi pwedeng ganito ka lang palagi,"


"Just leave me alone," nagmamaktol na sabi niya.


"Ate..."


Marahas siyang bumangon. "Ano bah, Leria!" naiinis na asik niya. "Can't you understand that I want to be alone?!"


"Iiwan lang kitang mag-isa kapag sinabi mo na kung ano ang problema," sa abot ng makakaya ko, nanatili akong kalmado. "This is not you, Ate. Hindi ito ang Ate ko... Where's my sister who always smile even though there is a big problem ahead of her? Nasaan na siya?"


Umiwas siya ng tingin. I reached her hand and gently squeezed it. "Ibalik mo ang Ate ko please... I couldn't stand watching her being this way so please... ibalik mo siya."


I saw tears falling in her cheeks. "Paano ko gagawin iyon kung ang dahilan ng pagngiti ko wala na?" humihikbing tanong niya.


"Sabihin mo sa akin ang lahat, Ate."


She gasped for an air and cried more. "I married someone 2 years ago, Leria." my eyes widened. "We were so happy despite with our long distance marriage. But months ago, nabalitaan kong... wala na siya."


"Paano? Nagkasakit bah siya? What happened to him? Bakit hindi namin alam ang lahat ng ito?" nagugulohang tanong ko.


Ilang beses na napailing si Ate. "It's complicated, Leria... Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag dahil 'di ko pa rin matanggap ang kamatayan niya," she cried harder and harder. "Nagpaplano na kaming magkapamilya pero bakit? Bakit nangyari iyon sa kaniya?"


I don't know what to say. Gulat akong malaman na kasal na pala ang kapatid ko. How did that happen without us noticing it? I suddenly remembered how she asked me alot of times to look after the club because she'll go somewhere. Ang hindi ko maalala ay ang pagtanong ko kung saan siya pupunta.


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now