Four

49 1 0
                                    

Chapter 4.

Period.



Ilang beses na akong huminga nang napakalalim pero walang epekto ang ginagawa ko sa bilis ng tibok ng puso ko. I am mad... for no reason.



Para palamigin ang sariling utak. Nag-request ako sa driver namin na pumunta ng mall.



My mother texted that I should go home while waiting for my afternoon class.



Bakit bah kasi na-suspend ang klase namin sa umagang ito? I want to see Tessa and Weshia. Maybe in that way, I can ease my mind from what just happened.



I bit my lower lip and closed my eyes for a second. Umiinom na ako ng milkshake ngayon na pinaparesan ng mocha cake. Inayos ko ang pagkakasuot ng eyeglasses at bumuga ng hangin.



He called my name... but I did not turn back.



Bakit niya naman ako tinawag? Kausap niya ang kaibigan niya-- no, baka girlfriend niya na talaga iyon.



Pero gusto niya si Ate Leishia 'di bah?



Nagugulohan ako kahit hindi naman dapat. I have no proofs that he really likes my sister but his actions says it more. Kung pwede ko lang sabunotan ang sarili ko ngayon, gagawin ko. Pero bakit ko naman gagawin iyon? At bakit ako namomroblema sa buhay ng iba?



Mind your own business, Leria. Just mind your own business.



"At anong ginagawa ng pinsan kong bansot rito?" naputol ako sa pag-iisip nang may dumating. "Nagka-cutting ka na pala ngayon hmm?"



"Kuya Cegie!" I almost scream when he suddenly grabbed my milkshake.



He grinned while taking a bite with my mocha cake. Matalim ko siyang tiningnan at natawa lang siya.



"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.



He really laughed as if I said a joke. "Ako dapat ang magtatanong niyan! Ano'ng ginagawa ng isang grade 7 rito? At may pamilkshake ka pa talagang nalalaman. Ano ka? College student?" I pouted.



"Bakit? Hindi bah pwede ang junior highschool dito? Ikaw may-ari nito?" pambabara ko at tinawanan niya na naman ako.



"Isusumbong kita kay Tita"



I rolled my eyes. "Edi magsumbong ka! Alam niyang nandito ako," hamon ko.



"Napakasuplada mo talagang bata ka," aniya.



"Eh ikaw ang nauna,"



Nagkatitigan kaming dalawa pero siya ang unang natawa. Gusto kong matawa sa mukha niya pero mas pinili kong huwag dahil inasar niya ako.



He crossed his arms then leaned his back in the chair. May lumapit sa amin na waitress na may dalang milkshake at cake. Nag-order naman pala siya, bakit pa kumain sa akin? Inggitero talaga!



"Kamusta kayo ng Ate mo?" tanong niya bigla.



"We're both fine," walang ganang tugon ko.



"Tuloy bah talaga 'yong engagement mo sa panganay ng Capelle?" my eyes narrowed at him and he smirked. "Baka ikaw ang unang makasal sa atin."



"I'm still in grade 7, malaki pa ang tyansa na magbabago ang isip nila Mommy at Daddy sa arrangement na ginawa nila," confident na sabi ko at mas lalo niya akong tinitigan roon.



When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now