Twenty- Six

40 2 0
                                    

Chapter 26.

Monthsary.

Okay... so we are now sitting in the couch while Ate Leishia is infront of us, pacing back and forth as if it's a big problem that she found out that me and Gabriel has a relationship.

"Kailan pa naging kayo?" tanong ni Ate.

"Uh... we've been together for almost 4 months, Ate." I answered and that made her eyes widened in fraction.

"So kayo na talaga no'ng birthday ni Lolo?" I immediately nodded. "Naniwala na ako noon pero ngayong nakikita ko kayong magkasama sa isang lugar, it's just... unbelievable!"

Gabriel cleared his throat. "Why?"

"I don't know! Hindi kayo magkasundo at 'yong nangyari noon sa engagement ninyo... 'di pa rin matanggal sa utak ko," I bit my lower lip and stared at her. "But anyways, hindi naman na importante kung ano ang nangyari noon."

"Yeah right." pagsang-ayon ni Gabriel.

Napaupo na si Ate na nasa harapan pa rin namin. She looked at us. Bumuga siya ng hangin. "Is this relationship serious?" hindi ako nakaimik, pati na din ang katabi ko. "Hindi kayo aabutin ng tatlong buwan kung hindi." pagsagot niya sa sariling tanong sabay irap.

I blinked twice when I felt Gabriel's hand reaching for mine. Bumaba ang tingin ni Ate sa kamay namin.

"Alam na bah 'to ng parents mo, Julien?" tanong ni Ate at tinitigan diretso sa mata si Gabriel. "If you are taking my sister seriously, you would tell your parents about your relationship despite on what happened before."

"I will tell them if Leria is ready," that made me look at him. He squeezed my hand. "My decision will depends on her. If she don't want to meet my parents for now, I will respect it. Hinihintay ko lang siya."

My jaw dropped.

"Okay? Ano naman ang desisyon mo, Leria?" nabaling ang atensyon ni Ate sa akin.

"Ayaw ko na muna, Ate..." takot pa kasi akong harapin sila Tita.

My sister blowed a large breathe. "Edi sana all nalang sa inyo," inirapan niya kami. "Wala akong pagsasabihan nito pero mabilis akong mainip. Mom and Dad would ask me about you having a boyfriend, Leria. Kahit may nangyari mang gulo noon, they're still hoping for you to have a man kaya kung darating man ang panahon na magtatanong sila, hindi talaga ako magdadalawang-isip na sabihan sila."

That would be good, right? As long as walang pagsasabihan si Ate, makakahinga ako nang naluwag. Our parents are busy and I think they have no time to ask Ate about me having a boyfriend.

While Ate is still here, talking to Gabriel. I decided to cook pasta for us. Naririnig ko ang usapan nila sa sala.

"So! What did you see to my sister?"

"Even before when we are still young, I always see her beautiful soul," natigil ako sa paghihiwa ng sibuyas sa sinagot ni Gabriel. My heart is now beating fast.

Humagalpak bigla sa pagtawa si Ate kaya tamad kong tiningnan ang sibuyas sa chopping board. "Kahit maganda iyang kapatid ko, alam kong alam mo na may ugali din iyon." really? Kapatid ko bah talaga siya sa lagay na ito?

Natawa si Gabriel. His laugh is like a music to my ears. "I know that but what I said is true. It's her beautiful soul I'd always see every time I look at her."

"Ang tamis ng dila mo ngayon, ah? Si Julien ka bah talaga?" ang sunod na narinig ko ay ang tawanan nilang dalawa.

Beautiful soul. Really, Gabriel? Do I really have that?

When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon