Forty- Nine

47 3 0
                                    

Chapter 49.

Only.


Days passed but I did not receive any calls from Gabriel. I went to his company the other day to give our landline number to his secretary. Nagmakaawa akong tawagan ako ng boss niya kung sakaling may oras ito.


"You okay now, honey?" I asked my daughter while we are in the middle of reading a book.


Tahimik na tumango ang anak ko.


I sighed and gently caressed her long hair. Hinintay kong makatulog siya bago lumabas ng kwarto.


"Wala pa rin bang tumawag?" tanong ko kay Ate na gising na gising pa.


Ang malungkot niyang pagtingin ang nagbigay ng sagot sa akin. Napalanghap at napabuga ako ng hangin. What's your plan after knowing that you have a daughter, Gabriel?


Sumapit ang umaga, napagpasyahan kong pumunta sa aking bahay. Magtatatlong linggo na kami rito pero ngayon ko lang naisip na pumunta sa sariling bahay ko.


Pinagamit ako ng kotse ni Ate para pumunta doon.


A nostalgic feeling went through my mind when I finally got there. Napaawang ang bibig ko at unti-unting napangiti.


Nothing change here...


I still have the key with me so it was easy for me to open it. Chikoy and Chikay's container is still in the right place. Wala mang nagbago pero pansin kong pinapalinis ito.


Maybe Mom or Ate ask someone to maintain the cleanliness in this house.


Hindi ko napansin na napaluha na ako dahil sa emosyon na nararamdaman. I always missed this place...


Ang dami naming nagawang alaala sa bahay na ito.


I sat down in the couch and stared at the paintings of myself. Huminga ako nang napakalalim. Dalhin ko kaya si Praise dito para makita niya ang mga gawa ng Daddy niya?


She don't have any interest in paintings but she loved to look at it.


Tumungo ako sa ikalawang palapag at tiningnan ang mga kwarto. My room... it's still the same. Walang nagbago sa pagkakaayos ng mga damit sa closet pero nagbago ang kulay ng bed sheets.


Pagkaupo ko sa kama ay saktong tumunog ang cellphone ko.


"Hello, Ate? Napatawag ka--"


"Leria, tumawag si Julien kani-kanina lang. Gusto niya makilala si Praise..." napatayo ako.


"Ano pa ang sinabi niya?"


"Gusto niya mamayang gabi, sa restaurant mo."


"Okay. Salamat, Ate. Huwag mo muna sabihan si Praise please?"


"Sige sige. Mag-ingat ka pauwi."


He called. Thank God... matapos ang halos dalawang linggo. Sumagi na sa isip niya na makilala nang maayos ang anak niya. Matapos bisitahin ang sariling bahay at kumuha ng ilang damit ay pumunta ako ng mall para bumili ng damit para kay Praise.


Minadali ko ang pagbili at umuwi na kaagad pagkatapos.


Nadatnan ko si Praise na natutulog sa kwarto kaya hinanda ko na ang dress na nabili ko para sa kaniya.


"Leria," tiningnan ko si Ate. "Dapat ihanda mo rin ang sarili mo mamaya. Magpaganda ka at magsuot ng magandang damit."


"I will, Ate. Hinahanda ko lang ang gamit ni Praise at pagkatapos nito ay ihahanda ko naman ang akin."


When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now