Eleven

45 3 0
                                    

Chapter 11.

Sancho Galatheo.


"Leriaaaaa!" ang matinis na boses ni Chia ang bumungad sa 'kin pagbukas ko sa kotse ni Weshia.


"Chia..." ngiting ani ko.


"Masyadong demanding ang birthday girl, gusto raw ng money bouquet," tamad na saad ni Weshia. "Tagbibente pesos nalang ang ipapalagay natin."


Natawa ako. "Magkano naman lahat?"


"One hundred pesos lang,"


Mas lalo akong natawa. Alas 4 pa kasi ng hapon kaya may oras pa kaming bumili ng ireregalo. Naalala ko pa last year, ang iniregalo ni Weshia kay Tessa ay isang dosenang panty. 'Di ko alam sa magkakaibigan na 'to, masyadong sabog ang mga utak.


Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang sumagi sa isip ko si Patricia.


That poor girl who was left by her bestfriend. Simula kasi no'ng biglaang umalis si Kaireen papuntang... hindi ko alam kung saan siya pumunta pero malakas ang kutob namin na nasa America lang siya.


I don't know what's the reason why she left so sudden na pati buong pamilya niya ay nagulat sa naging desisyon niya.


"Sinubokan n'yo na bang i-contact si Patricia?" I asked while waiting for the money bouquet.


Bumuntong-hininga si Chia. "We tried to but... hindi niya sinasagot."


"Hayaan na muna natin," ngiting saad ni Weshia at tinuon muli ang atensyon sa cellphone. "Girls, ano'ng maganda? My manager asked me about this photos." hinarap niya ang kaniyang cellphone sa amin.


My jaw literally dropped when I saw that it was her pictures in her recent photoshoot. Hinablot naman ni Chia ang phone kaya hindi ko ito nakita nang maayos.


Napasimangot ako at napilitang sumilip.


"This one looks maganda!" komento ni Chia at ipinakita sa amin ang kaniyang napili.


Oh my god... Lahat ng pictures ay maganda. Iba't ibang anggulo o damit, walang nag-iba sa mukha ni Weshia. She's honestly the epitome of beauty. Ang maliit na mukha at matangos niyang ilong. Idagdag pa ang manipis niyang labi na kung lalaki ako, masarap halikan.


"Ang ganda mo, Weshia..." iyon lang ang tanging nasabi ko habang nasa akin na ang kaniyang phone.


She chuckled. "Thank you,"


Sa huli ay wala akong napiling litrato dahil maganda naman ang lahat. Ipo-post kasi iyon sa magazine kaya sinabi kong iyon nalang lahat ang i-post.


Natapos kami sa money bouquet at pumunta kami sa cake shop para bumili ng cake. Simpleng cake pero napakamahal. Mukhang masarap naman.

When You Ran Away (When Series #4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat