Twenty- Seven

59 2 3
                                    

Chapter 27.

Keep You.

I am currently here in Kaireen's suite, cooking them a snack together with Metichia. Matagal-tagal na rin kasi no'ng huli naming bonding kaya pumayag kaming lahat na dito na magsaya.

Pansin kong namumungay ang mata ni Kaireen, hindi ko alam kung bakit pero ang putla-putla niya rin. I have whiter complexion than her but now, para siyang binuhosan ng harina sa sobrang putla.

"Leria," tawag ni Chia sa akin.

"Yes?" abala ako sa paghahalo ng chocolate sauce kaya hindi ko siya natingnan.

"What if... gusto ko si Queco?" natigilan ako at napatingin na sa kaniya. She's blushing. Hindi ako nakapagsalita kaya tinakpan niya ang kaniyang buong mukha. "N-nevermind! Forget about it. Hahaha... That was a dumb question."

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kaya malalim akong napabuntong-hininga. "Kung gusto mo, ipagtapat mo sa kaniya."

"What?" unti-unti niyang tinatanggal ang dalawang palad sa kaniyang mukha at tiningnan ako. "You mean I'll confess to him?"

I simply nodded. "Kung itatago mo kasi, maba-bother ka at hindi alam ang gagawin."

Her mouth formed into an 'o'. Ngumiti ako sa kaniya. "But if you are not ready to confess your feelings to him, you are free to choose when you want it to happen." dugtong ko.

May sasabihin pa sana siya nang magkagulo sa sala. Lumabas kami para makiusyuso at nadatnan nga namin si Tessa at Patricia na hinihingal. They are holding a plastic. Ang laman raw ay mga pregnancy test para kay Kaireen.

Literal na nanlaki ang mata ko. Is she pregnant?

"Sabi ni Pat, nagsusuka na siya ng ilang araw." si Weshia nang magtanong si Chia sa kaniya. "At minsan ay nahihilo. That's what Tessaiya felt when she had the first trimester of the twins so there is a possibility that Kaireen is pregnant."

Hindi ko maiwasang matuwa. Matapos kay Tessa, si Kaireen naman ngayon ang magkakaanak.

Weshia went out to call someone. Mukhang tatawagan yata ang fiancé ni Kaireen. Hindi mapakali si Tessa kaya nahawa rin ako sa excitement niya. Si Patricia naman ay kulang nalang ay lumuhod para magdasal.

Mabilis na nakarating si Theofil, kasama si Saross. "Kuya Theo!" tumalon agad si Chia para batiin ang pinsan. Theo hugged her tightly before confronting us.

"What's happening?" seryusong tanong ni Theo sabay tingin sa aming lahat. The fudge! I didn't know that he is more intimidating in person.

Halatang galing siya sa trabaho sa postura niya. Pati na rin si Saross na pinapasadahan din kami ng tingin.

"Alam mo na?" tanong ni Tessa kay Theo. "Ang pagsusuka ni Kaireen nitong nakaraan?" kumunot ang noo ni Theo.

"She's not saying anything,"

Tumikhim si Weshia. "Uhm... may posibilidad kasi na buntis siya--" Theofil cut her off.

"What?" umiba agad ang ekspresyon niya. "She's pregnant?" nagkatinginan sila ni Saross. "Magiging ama na 'ko..." halos ibulong niya na iyon sa kaibigan niya. He got emotional! Oh my gosh... ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Kai.

Lumabas si Kaireen at nagulat nang mapagtantong may ibang panauhin. And seconds later, I was so happy to see them celebrating because my friend is pregnant. Pero tumungo sila sa ospital para ikompirma kung totoo nga bah.

When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now