KABANATA 1: CLASS MONITOR

19 5 0
                                    

DANICA'S POV

" Wag!" Malakas kong sigaw ngunit hindi niya ako pinakinggan. Nakita ko kung paano napaluhod yung lalaki ng paluin ng tubo ang kaniyang paa.

" Tama na po!" Sigaw ko sapagkat hindi rin ako makalapit sa kanila dahil natatakot ako at wala naman akong kakayahang pigilan sila.

" Ple---"

" Danny!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na sigaw sa tainga ko. Hingal na hingal din akong tumingin sa gilid ko. Nakita ko si Sammy na bakas ang pag-aalala sa akin. Panaginip lang pala.

" Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Sammy pagkatapos niyang i-abot sa akin ang isang basong tubig. Kinuha ko naman ito saka ininom. Pagkatapos ay tumingin ako sa kaniya.

" A-ayos lang ako. Salamat," pilit akong ngumiti sa kaniya upang huwag na siya masyadong mag-alala sa akin.

" Napanaginipan mo na naman ba?" Makahulugang tanong niya saka umupo sa kama ko.

" Oo. Naguguilty pa rin ako sa ginawa ko," pag-amin ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

" Gumawa ka naman ng paraan para tulungan siya diba? Kaso nga lang, wala na sila doon ng dumating yung rescue," pag-amo niya sa akin saka ako tiningnan sa mata.

" But---"

" Ssh. Do not think about it anymore. First day of class kaya dapat mag-asikaso na. Hindi ka pwede ma-late, class monitor," pagputol niya sa sasabihin ko.

" Wala akong balak magclass monitor ulit," saway ko sa kaniya.

Tumawa naman ito saka tumayo at nag-unat, " You know na ikaw pa rin ang pipiliin nila kaya wala ka ding magagawa,"

" At sino kaya ang may kasalanan kung bakit?" sarkastiko kong turan sa kaniya at pabirong pinaikot ang mata ko.

" You got what it takes, so why not, diba?" Natatawang paliwanag niya sa akin kaya napasimangot ako.

Hindi naman sa ayaw ko maging class monitor pero dahil graduating na kami sa highschool ay for sure magiging mahirap ang mga subjects namin. Ayaw ko naman na ma-stress pa lalo dahil sa responsibilities ng pagiging class monitor.

" Oh, ano na naman ba iniisip mo at nagkalukot-lukot na yang mukha mo?" Nabalik ako sa realidad dahil sa komento ni Sammy.

" Wala. Lumabas ka na nga at ng makapag-asikaso na ako. Baka mamaya ma-late na naman tayo," pagtataboy ko sa kaniya.

Well, totoo naman ang sinabi ko dahil di ko na mabilang kung ilang beses kaming na-late last school year dahil sa kupad niyang kumilos. Pasalamat na lang kami na ako ang class monitor kaya kahit papano ay may consideration ang mga teachers namin.

" Ito na, lalabas na! Ang aga-aga, ang sungit mo. Huwag mong sabihin na first day of the month mo din," pang-aasar nito sa akin kaya binato ko siya ng unan ngunit agad din siyang nakaiwas.

" Bilisan mo na kumilos diyan. Hintayin kita sa baba," huling turan niya bago patakbong lumabas sa kwarto ko.

Napailing na lamang ako sa inasal nito. Samantha is my bestfriend since we are first year highschool. Siya lang kasi ang nanatiling kaibigan ko ng malaman ng buong school na scholar lamang ako. Dahil kay Samantha, hindi ako ganoong nabu-bully sa school sapagkat isip-bata man ito ay handa namang makipagrambulan kapag inapi daw ang mga mahal niya. Kaya kahit na medyo nakakaloka ang babaeng iyon ay sobrang mahal ko yun dahil sa laki ng tinulong niya sa akin lalo na ang pagpapatira niya sa akin sa condo niya ng libre.

Nag-unat muna ako bago ko napagdesisyunang tumayo na at iligpit ang kama ko. Kinuha ko muna ang unang ibinato ko kanina kay Samantha at inayos ang higaan ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Nandoon na din naman ang uniform ko sapagkat inihanda ko na ito kagabi pa.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now