KABANATA 32: BANTA

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Where are you going?" bungad sa akin ni Sammy ng makita niya akong may dalang bag at maleta.

Huminto muna ako sa pagkaladkad ng mga gamit ko saka siya tiningnan, "alam mo ba na si Waylen ang nagligtas sa akin last summer?" tanong ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya, "a-anong, pa-paano?" nauutal niyang tanong sa akin.

"So alam mo nga?" bulalas ko na may mataas na tono. Tila naman mas nagulat ko si Sammy sa lakas ng boses ko, "Alam mo kung gaano ako binabangongot ng panaginip na yun pero wala kang sinabi sa akin? Kaibigan ba talaga kita, ha?!" wika ko.

"Danny, calm down. You don't understand," saad niya sa akin.

"Wala akong maintindihan dahil hindi mo ako sinabihan," huling usal ko saka siya tinalikuran.

"Danny saan ka pupunta? Wait..." sigaw ni Sammy kaya mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa taxi na kinuha ko.

Mabilis akong pumasok doon at sinenyasan ang driver ng taxi na magmaneho na. Nakita ko pa ang paghabol ni Sammy ngunit isinawalang-bahala ko ito. Masyadong magulo ang isip ko ngayon para harapin silang lahat.

***

"Juskong bata ka, anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Manang Esther pagpasok ko sa bahay namin.

"Nasa resto po ba si papa?" tanong ko sa kaniya habang pinapasok ang mga gamit ko sa loob.

Napahinto ako sa ginagawa ko ng wala akong marinig na tugon mula kay Manang Esther kaya naman muli ko siyang tiningnan.

"Manang?" tawag ko sa kaniya muli sapagkat para siyang natulala.

"I-i-iha, ang tatay mo kasi ay nasa hospital."

Tila nabingi ako at tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa sinabi ni Manang Esther. "P-po? Ka-kailan pa?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Noong isang araw pa, inatake na naman kasi siya ng pneumonia niya kaya sinugod na namin siya sa hospital," pagkukwento ni Manang Esther sa akin.

"Bakit hindi niyo po ako sinabihan agad?" tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi kasi ng tatay mo ay wag kang istorbohin kasi nasa fieldtrip ka daw. Hayaan ka daw muna naming maging masaya doon," tugon niya. Pumatak na ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

"Ma-manang, samahan mo ko kay papa," humihikbi kong pakiusap kay Manang Esther.

"Huminahon ka muna, Danica," pagpapakalma sa akin ni Manang.

Pero umiling naman ako, "Manang gusto kong makita si Papa," saad kong muli sa kaniya.

Bumuntong-hininga naman ito, "ipasok muna natin yang mga gamit mo saka tayo pumunta sa hospital," wika niya sa akin.

Tumango naman ako kaya lumapit ito sa akin at tinulungan ako sa mga gamit ko. Nang maipasok na namin ito sa kwarto ko ay agad na din kaming umalis. Habang nasa byahe ay iyak lamang ako ng iyak sapagkat hanggang ngayon ay kabutihan ko pa rin ang iniisip ni papa. At heto naman ako, I was too busy being distracted sa mga bagay na hindi ko man lang naisipang kamustahin si papa.

***

"Danica, iha, bakit nandito ka?" tanong sa akin ni papa ng makita niya ako sa likuran ni Manang Esther.

"Papa..." tawag ko sa kaniya saka patakbo siyang pinuntahan upang yakapin. Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.

"I-iha, masyado kang mabigat," biro ni papa sa akin kaya naman inalis ko ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now