KABANATA 10: PAGKAKASUNDO?

9 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Good morning," nakangiting bati ko kay Waylen pagdating niya sa upuan namin.

" You are weird," rinig kong komento niya sa akin habang ibinababa ang bag niya. Tsk! Kalma lang self, need mo magpakabait sa kaniya para sa grades mo.

" Ano namang weird sa pagbati ko?" nakangiti ko pa ring tanong sa kaniya kahit na gusto ko siyang tirisin. Tiningnan naman niya ako na tila bang kinikilabutan siya sa sinabi ko.

" Just be quiet," turan niya saka umupo sa tabi ko at isinubob ang mukha niya sa kaniyang desk.

Inikot ko ang aking mata dahil sa inis sa pakikitungo niya sa akin. Jusko, makaka-survive kaya ako sa pakikitungo ng maayos sa taong ito ng buong taon? Ngayon pa nga lang nauubos na ang pasensya ko, eh. Napabuntong hininga na lamang ako. Kung hindi ko lamang kailangan ng mataas na grado para sa scholarship ko ay hindi ko ito gagawin. Napatingin ako sa gawi ni Waylen ng gumalaw at masagi ako neto. Hindi ko mapigilang mapatitig sa maamo niyang mukha. In all fairness, gwapo naman pala siya pag tulog. Kapag kasi gising siya, para siyang pinagsukluban ng langit at lupa.

"Quit staring. I won't catch you if you fall for me." Natatarantang umiwas ako ng tingin kay Waylen ng magsalita ito.

"A-asa k-ka," nauutal kong pagtanggi sa aligasyon niya kahit nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Gosh, akala ko tulog siya. Lalo akong namula ng marinig ko ang bahagyang pagtawa ni Waylen.

"Danny, may sakit ka ba? Bakit namumula ka diyan?" Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Sammy sa harap ko at hinawakan ang noo ko.

"A-ah wala 'to. Tara samahan mo ako sa canteen. Bigla akong nagutom," wika ko saka tumayo na.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa si Sammy at agad itong hinila paalis ng classroom. Kung hindi kayang bumuka ng lupa para kainin ako, at least nakaalis na ako sa lugar na iyon. Grabeng kahihiyan ito, Danny!

***

"Don't forget your long exam next week. Class dismissed!" anunsyo ng teacher namin sa isa kong major.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa naging anunsyo niya. Hindi na talaga natatapos ang problema ko sa school. Bukod sa challenge kong makisama kay Waylen ay may mga exams pa akong dapat isipin.

"Oh, bakit parang pinagsukluban ka ng langit at lupa diyan?" tanong sa akin ni Sammy. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin.

"Nas-stress na ako. Ang sakit sa bangs," reklamo ko kay Sammy ngunit tinawanan lamang ako neto. Naguguluhan ko siyang tiningnan at mukha naman naunawaan niya ang question mark sa mukha ko.

"Wala ka naman kasing bangs, Danny," natatawa niyang komento kaya napairap ako.

"Buti nga wala. Kung nagkataong meron, malamang kumulot na yun sa stress na nararanasan ko," wika ko sa kaniya saka ngumuso.

"Ewan ko sa iyo. Tara na nga at baka dala lang yan ng gutom," saad niya saka ako hinila palabas ng classroom.

Pinabayaan ko na lamang si Sammy na kaladkarin ako papunta sa cafeteria. Wala akong lakas para pigilan siya ngayon kaya naman nagpatangay na lang ako. Dahil wala ako sa sarili ko ay si Sammy na din ang umorder ng kakainin ko. Ayos lang naman sa akin yun sapagkat alam naman niya yung gusto kong kainin.

"Ano ba kasi talagang nasa isip mo?" tanong sa akin ni Sammy pagkaupo namin.

Huminga muna ako ng malalim saka nangalumbaba, "kinausap ko nung nakaraan si Ma'am tungkol sa paging partner ni Waylen sa akin. Hindi siya pumayag na magpalit ako ng kaparehas," wika ko sa kaniya.

Tila naman nagulat ito sa sinabi ko, "oh, bakit daw?" takang tanong niya sa akin.

"Baka daw kasi sa ganitong way magbago si Waylen. Saka baka rin daw mabago yung opinyon ko tungkol kay Waylen pag nagkasama kami," pagkwento ko sa kaniya.

"May point naman si Ma'am. Maybe you just started with the wrong foot kaya mainit dugo mo sa kaniya." pagsang-ayon niya sa sinabi ko.

"Hayss, ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit hindi kami magkasundong dalawa. Tina-try ko naman na makipagclose sa kaniya kaso ayaw naman niya..." Napahinto ako sa pagsasalita ng may naisip ako. "Hindi kaya ayaw niya sa akin kasi parehas kami ng bet?" natatawang bulalas ko ng may parang bombilya na umilaw sa utak ko kanina.

"Anong problema mo?" kunot noo kong tanong sa kaniya ng ilang segundo na ngunit hindi pa rin siya natawa sa biro ko. Nakatingin lamang ito sa direksyon ko habang nanlalaki ang mata.

"Pfft..." Agad akong napalingon sa likuran ko ng may marinig akong bahagyang pagtawa. Doon ay nakita ko si Liam na pinipigilan ang sariling tumawa dahil masama ang tingin sa kaniya ni Waylen.

"Wa-wa-Waylen," nauutal kong tawag sa kaniya. Tsk, kung ano-ano kasi ang iniisip mo, Danny! Mapapahamak ka talaga sa ginagawa mo. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Waylen kahit na tinawag ko ang pangalan niya.

"Hindi ko alam na joker ka din pala class monitor," nakangising pahayag ni Liam na ikinapula ko naman. Nahihiya na nga ako, dinadagdagan niya pa.

"Anyway, pwede bang makiupo rito? Puno na kasi, eh," saad muli ni Liam ng mapansin niya na hindi ako tumugon sa pahayag niya kanina.

"H----"

"Sure," hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis na nagsalita si Sammy. Nilingon ko naman ito saka sinamaan ng tingin. Talaga bang gusto niya akong ibaon sa kahihiyan?!

"Talaga? Salamat," masayang wika ni Liam saka umikot upang umupo sa tabi ni Sammy. Samantala, halos pagpawisan ako ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Waylen.

"I am Liam, by the way," pagpapakilala ni Liam kay Sammy saka nilahad ang kamay nito.

"Samantha," pakilala din ni Sammy saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Liam.

"Nice name, it suit you," komento ni Liam na ikinapula naman ni Sammy. Buti pa sila mukhang magkakasundo, samantalang kami ng katabi ko, tinalo pa ang north pole sa lamig.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa iniisip ko saka nagsimulang kumain. Hinayaan ko na lamang na mag-usap si Liam at Sammy habang binibilisan kong kumain para makabalik na ako sa classroom bago pa ako lumubog sa kahihiyan dito. Gosh, minsan talaga nakakapahamak ang pagiging madaldal ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagtayo ni Waylen. Doon ko lamang napansin na pati pala si Liam ay nakatayo na din. Mukhang tapos na sila kumain.

"Salamat sa pagpapa-upo niyo sa amin, sa susunod ulit," masayang wika ni Liam sa amin. Nginitian ko na lamang ito kahit gusto kong kontrahin ang huli nitong sinabi.

"Sure thing," sagot naman ni Sammy. Aba, masyado ata siyang nag-e-enjoy na asarin ako.

Ngumiti na lamang si Liam saka nagsimulang maglakad. Naramdaman ko din ang pagdaan ni Waylen sa likuran ko. Wala sa sarili akong napalingon nang maramdaman ko ang presensiya niya na di pa rin umaalis sa likuran ko. Nagtama ang mata naming dalawa, ngunit ang mga katagang sinabi niya ang nakapagpalaki ng mata ko at nagpaawang sa labi ko.

"Babae pa din naman ang bet ko. Hindi nga lang talaga kita type," nakangising wika niya kaya naman natulala ako.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagdire-diretso na ito ng lakad palabas ng cafeteria. Nabalik lamang ako sa katinuan ng marinig ko ang malakas na hagalpak ng tawa ni Sammy kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. Lokong Waylen yun, may araw din yun sa akin!

ITUTULOY!

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now