KABANATA 29: PAG-AMIN

11 2 0
                                    

DANICA'S POV

Pagkatapos naming kumain ay nagkakayayaan na din na magrides na agad dahil isang oras na lamang ay aalis na kami rito sa amusement park kaya naman talagang sinusulit namin ang rides. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang nasakyan namin. Pasalamat na lang talaga ako dun sa warm water na binigay ni Waylen kahit papano ay naibsan ang sakit ng puson ko.

"Saan tayo next?" tanong ni Liam pagkababa namin sa roller coaster. Grabe 'tong lalaking ito. Parang walang kapaguran.

"Pwede magpahinga muna tayo. Parang nahihilo na ako, eh," pagrereklamo ko.

"Ang weak mo naman pala class monitor," pahayag ni Liam kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Gusto ko maghorror house," pahayag naman ni Sammy.

"Sige, tara," pagsang-ayon naman agad ni Liam. "Tara pre," pag-aya niya kay Waylen. Tumango naman ito.

"Kayo na lang muna," wika ko saka nanghihinang umupo sa bench.

"Ikaw Atlas?" tanong ni Sammy kaya napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na nakatingin din pala ito sa akin.

"Woy Atlas," wikang muli ni Sammy saka bahagyang kinalabit si Atlas.

"H-ha?" nauutal niyang wika saka tumingin kay Sammy. "Ahh... samahan ko na lang si Iris, medyo pagod din kasi ako," sagot niya.

Tumango naman si Sammy sabay sabing, "okay... tara na," saad niya saka sinimulang hatakin si Liam at Waylen paalis.

Napansin ko pa ang pagpupumiglas ni Waylen ngunit hinatak na din siya ni Liam kaya wala na siyang nagawa. Nilingon niya pa ako kaya nginitian ko siya upang ipakitang ayos lang talaga ako.

"May gusto ka bang gawin?" Nabalik ang atensyon ko kay Atlas ng magsalita ito.

"Hmmm..."Huminto ako saglit upang mag-isip, "well, gusto kong i-try yun," sagot ko saka tinuro yung isang booth.

"Then let's go," sagot niya saka hinawakan ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Hanggang sa makarating kami sa may booth ay hindi niya binitawan yung kamay ko.

"Ano ang gusto mo diyan?" tanong niya sa akin kaya naman tinuro ko yung stuffed toy na mukhang panda.

"Sige, I'll get that for you. Watch and learn," kumpyansang sagot niya saka kinuha ang darts at sinimulang puntiryahin yung mga lobo.

Nakailang bato na siya ng darts ngunit wala pa rin siyang lobong tinatamaan. Kaya naman bahagya akong natawa.

"Manong, may daya naman ata yang mga lobo niyo, eh," reklamo ni Atlas kay manong.

"Iho, walang daya yan. Hindi ka lang ata marunong," sagot naman ni Manong.

"Let me try," sabat ko sa kanila saka kinuha ang darts at sinimulang puntiryahin ang mga lobo.

Agad ko itong inihagis at agad na pumutok ang lobong pinuntirya ko. Sinunod-sunod ko ito hanggang sa matapos ko yung challenge.

"Magaling ka pala, iha," manghang wika ni manong sa akin saka inabot yung panda na stuffed toys.

"Sinuwerte lang po ako," sagot ko saka tinanggap yung panda.

"Ano? Tara na?" pag-aya ko kay Atlas na tila nabato ata sa pagka-amaze sa akin.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na magaling ka magdarts," pahayag ni Atlas habang naglalakad kami.

Natawa naman ako, "naging libangan ko yan dati," sagot ko naman sa kaniya.

"Ang daya. Hindi mo naman sa akin sinabi agad. Napahiya pa ako," usal niya saka nagkamot ng batok.

"Sorry naman. Ayaw ko kasing sirain yung confidence mo," natatawang biro ko sa kaniya kaya naman ngumuso ito.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now