KABANATA 5: CONCERN

17 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Do you have any question class?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang tinuran ng aming guro. Ngayon ko lang na-realize na patapos na pala ang aming klase. Gosh, kasalanan niya ito! Lumilipad ang utak ko dahil sa misteryo ng pagkatao niya. Hays!

" Do not forget to do your assignment. Class dismissed!"

Agad akong tumayo kasabay ng mga kaklase ko upang magpaalam sa aming guro. Tsk! Hindi ko nasulat kung ano ang assignment namin. Itatanong ko na lang ito mamaya kay Sammy. Naglakad na papunta sa pintuan ang aming guro kaya napagdesisyunan ko na ring umupo. Paupo na sana ako nang biglang

" Ms. Concepcion, follow me on my office,"

" Y-yes, Ma'am." Naguguluhan akong sumagot sa kaniya.

Tiningnan lamang ako ng aming guro saka tuluyang lumabas ng classroom namin. Tsk! Ano kaya ang ginawa ko? What if napansin ni Ma'am na hindi ako nakikinig sa kaniya kanina? Napahilot ako sa sentido ko dahil sa pumasok sa isipan ko. Kung ganoon nga ang nangyari ay tiyak akong papagalitan ako nito. Mabilis kong inilagay ang mga gamit ko sa aking bag saka tumayo.

Agad na akong dumiretso sa office ng aming guro habang malakas na dumadagundong ang aking dibdib. Kinakabahan lamang ako na baka ma-bad shot ako sa adviser namin at maapektuhan nito ang standing ko sa school. Pagkadating ko sa tapat ng pintuan ay huminga lamang ako ng malalim saka kumatok.

" Come in," Rinig kong turan ni Ma'am Alvarez.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nang makita niya ako ay agad niya akong nginitian kaya naman kahit papano ay naibsan ang kaba na nararamdaman ko.

" Bakit po Ma'am?" inosente kong tanong sa kaniya matapos kong isara ang pintuan at lumapit sa kaniya.

" I am just wondering if you know where Mr. Alvarez is?" diretsong tanong niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya habang ikinakalma ang sarili ko upang hindi gumuhit sa aking noo ang pagkayamot dahil sa tanong niya. Tsk, DSWD ba ako para laging maging hanapan ng lalaking iyon?!

" Hindi po, Ma'am." Magalang kong sagot sa kaniya.

" Hmm, ganoon ba?" turan niya saka nangalumbaba sa kaniyang lamesa.

" Baka po hindi siya pumasok ngayon," komento ko saka bahagyang tiningnan ang relo ko.

" Hmm, can you look for him in the campus?" tanong niya sabay tingin sa akin. Itinikom ko ang aking bibig upang hindi niya makita ang muntik na paglaglag ng panga ko sa sinabi nito.

" Ms. Concepcion?" tawag ni Ma'am sa akin noong mapansin niya siguro na hindi ako sumagot.

" A-ah, s-sure po," Gusto kong tampalin ang noo ko sa pagsang-ayon ko sa nais ng adviser namin, ngunit hindi ko na mababawi ang sinabi ko dahil sa pag-aliwalas ng kaniyang mukha.

" Great. You may go now," nakangiting turan niya bago niya alisin ang kaniyang atensyon sa akin.

Nakangiting yumuko lamang ako upang magpaalam sa kaniya saka dumiretso na sa pintuan upang lumabas. Pagkasara ko ng pintuan ay agad nawala ang aking ngiti at ramdam ko ang pagsalubong ng aking kilay. Argh, that guy! Pineperwisyo niya talaga ang payapa kong buhay.

Inis akong nagsimulang halughugin ang buong campus upang hanapin siya. Tinext ko na lamang kanina si Sammy na sabihin sa susunod naming guro na may ipinagagawa sa akin ang aming adviser kanina. Tsk! Saan ba kasi nagsususuot yung lalaking yun?

Lumipas ang kalahating oras ngunit bigo akong mahanap ang kinaroroonan ni Waylin kaya naman napagdesisyunan ko ng bumalik sa classroom. Marahil nga ay absent ang lalaking iyon. Naglalakad na ako sa hallway ng maalala ko na sa rooftop ko nga pala siya nakita ng nakakaraan. Nayayamot akong nag-iba ng direksyon upang pumunta sa rooftop. Hindi ko ito tiningnan pati na rin ang malawak naming field sapagkat tirik ang araw, ngunit wala na akong choice kung hindi puntahan ito.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now