KABANATA 30: CONFIRM

8 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Stay still..." bulong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko ng ma-realize ko ang hitsura namin. Kasalukuyan siyang nakaback-hug sa akin.

"Waylen, ano ba?!" asik ko sa kaniya saka sinusubukang alisin ang braso niya sa bewang ko.

"I said stay still..." bulong niya. "Kapag nalagyan mo ng dugo ang pantalon ko, ikaw palalabhin ko nito," dagdag niya pa.

"OMG!" impit na tili ko dahil sobrang nakakahiya nito.

"Just stand still," wika niya saka ako tumango.

Naramdaman ko ang unti-unting pagtanggal niya ng kaniyang braso sa bewang ko. Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagdampi muli ng kaniyang braso sa bewang ko.

"There!" wika niya kaya napatingin ako sa bewang ko.

"Varsity jacket niyo ito, ah," tanging nasabi ko ng ma-realize ko na iyon ang ginamit niya upang takpan ang palda ko. Suot-suot niya kasi iyon kanina.

"So?" tanong niya sa akin. Napaawang naman ang bibig ko.

"Hoy, nakakahiya," wika ko at akmang tatanggalin ang jacket niya ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingala tuloy ako sa kaniya.

"Mas nakakahiya pag pinabayaan kita maglakad na may tagos, so wag mo na ituloy yang ginagawa mo," pahayag niya. "Do you want me to call Sammy?" tanong niya sa akin.

Tinanaw ko naman si Sammy na masayang nakikipaglaro sa iba kong mga kaklase kaya umiling ako, "wag na. Okay lang," sagot ko sa kaniya.

Tumango naman ito, "let's look kung saan ka pwede magpalit," wika niya saka nagsimulang naglakad. Nang mapansin niya siguro na hindi ako gumagalaw ay huminto siya at lumingon sa akin, "bilisan mo na!" wika niya.

Wala na akong nagawa kung hindi tumakbo papunta sa kaniya. Nagtanong pa kami doon sa parang caretaker ng lugar kung nasaan ang restroom. Sinagot naman niya kami ngunit parang iba ang iniisip niya dahil sa naging tanong namin. Hindi na lang namin siya pinansin saka nagmamadaling pumunta sa restroom.

"Okay ka na ba dito? Iwanan na kita?" tanong niya sa akin.

Umiling naman ako, "Waylen kasi ano eh," nahihiyang panimula ko.

"Ano ba yun?" tanong niya sa akin.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa hiya, "wala kasi akong dalang napkin,"usal ko saka umiwas ng tingin sa kaniya.

"Sige, bibilhan na lang kita doon sa convenience store. Wag ka na lang aalis dito," mabilis niyang saad.

Titingnan ko pa lang sana siya pero pagtingin ko ay wala na siya. Ang bilis na niyang tumakbo ngayon. Para bang wala na siyang injury na iniinda. Napagdesisyunan ko na lamang pumasok sa restroom at nagcellphone habang hinihintay kong bumalik si Waylen. Maya-maya pa...

"Danny?" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko ang boses ni Sammy.

"Andito ako," mahinang bulong ko sa kaniya habang nakasilip. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at inabot ang isang plastic bag.

"Ang dami naman nito!" hindi makapaniwalang komento ko kay Sammy.

Tumawa naman ito, "ewan ko ba kay Waylen. Nakita na lang namin siya ni Liam na dala-dala yan. Akala ko nga ay ubos na ang stock ng napkin sa convenience store dahil binili niya na lahat," natatawang pagkukwento niya kaya naman natawa na rin ako.

"Wait lang, ha?" paalam ko kay Sammy.

Tumango naman ito kaya sinara ko na ang pinto ng cubicle at ginawa ang dapat kong gawin. Maliban sa napkin ay mayroon ding wipes, tissue at gamot para sa dysmenorrhea sa loob ng plastic. Nang masiguro kong komportable na ako ay lumabas na ako ng cubicle.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now