KABANATA 16: SPORTS FEST BEGIN

11 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Sorry, Miss." paghingi ng paumanhin ng lalaki na nakabunggo sa akin.

" Ayos lang. Teka, taga Hudson college ka?" tanong ko sa kaniya ng mapansin ko ang logo ng jacket na suot niya.

" Ah, oo. Naliligaw kasi ako. Hindi ko sure kung saan papunta ng gymnasium," paliwanag niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan kung paano niya hinihimas ang batok niya na para bang nahihiya ito sa akin.

Ngumiti naman ako, " Doon rin ako papunta. Sabay ka na lang sa akin."

"Really?" tanong niya. Tumango naman ako.

"That's great," masayang wika niya. "I'm Atlas Kenji Braylon, by the way," pakilala niya saka nilahad ang kamay niya.

"Danica Iris Concepcion," pakilala ko saka tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Ahem," pakunwari kong ubo sapagkat ilang minuto niya na ata hawak ang kamay ko. Tila naman nabalik na siya sa realidad at binitawan ang kamay ko.

"Your name is as beautiful as you, Iris," komento niya.

"Thank you," pasasalamat ko saka ngumiti. "Oh paano, tara na?" pag-aya ko sa kaniya. Tumango naman ito kaya nagsimula na din kami maglakad.

Habang naglalakad ay maraming napapatingin sa amin. Ewan ko ba pero ang sama ng tingin sa akin ng mga girls na nakakasalubong namin. Hindi ko alam tuloy kung ano ang ginawa kong mali dahil nagmamagandang loob lang naman ako kay Atlas. Nang dumating kami sa gymnasium ay halos lahat ata ng mata ay nasa amin ni Atlas. Naglakad pa kami ng kaonti upang hanapin ang pila ng Hudson College.

"Atlas!"

Sabay kaming napalingon ni Atlas ng may tumawag sa kaniya. Lalaki ito na katamtaman lamang yung height, medyo maputi at undercut ang gupit ng buhok. Tumakbo ito papunta sa amin.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Bakit ang tagal mo?" tanong niya saka napadako sa akin ang mata niya, "at sino naman ito?" dagdag na tanong niya pa.

"Siya si Danica, taga-rito siya. Nabangga ko siya sa hallway nung papalabas siya ng restroom tapos sinamahan niya ako rito," paliwanag ni Atlas.

"Naku, maraming salamat sa pagtulong sa captain namin, ah?" wika niya saka ngumiti sa akin. Teka, captain?

"Walang anuman. Tingin ko naman if iba ang nakasalubong niya, gagawin pa rin naman nun yung ginawa ko, "sambit ko na may pagkailang dahil sa ilang pares ng mata na nakatingin sa amin ngayon.

"Sige Atlas, andoon yung bench natin. Pumunta ka na lang, ha? Malapit na daw magsimula, eh," wika nung lalaki. "See you sa games, Danica," dagdag niya pa saka kumaway at nagsimula na muling tumakbo.

Humarap naman sa akin si Atlas, "thank you ulit Iris," wika niya.

"Walang anuman," nakangiting saad ko.

"Oh paano, pupunta na ako sa bench namin. See you around, Iris," paalam niya saka ngumiti ng pagkalawak-lawak kaya naman lumitaw ang mga dimple niya. Okay, masyado siyang pogi.

"See you. Ba-bye," wika ko saka kumaway.

Kumaway din naman ito saka nagsimulang tumakbo papunta sa bench nila. Kaya ako din ay tumakbo na papunta sa bench namin. Aba paanong hindi ako tatakbo eh kung may laser lang ang mga mata ng girls sa gymnasium, malamang dead on the spot na ako, eh.

"Hoy, paano mo siya nakilala?" bungad na tanong sa akin ni Sammy pagdating ko sa bench namin.

Hinihingal akong umupo sa tabi niya bago sumagot, "nakabungguan ko sa banyo tas hindi niya daw alam kung nasaan ang gymnasium kaya sinabay ko na dito," paliwanag ko. Tumango-tango naman siya sabay hampas sa balikat ko.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now