KABANATA 26: FIELDTRIP

9 2 0
                                    

DANICA'S POV

Nakangalumbaba ako ngayon sa desk ko habang hinihintay ang una naming subject. Sa totoo lamang ay halos di ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ko tutulungan si Waylen. Napaayos ako ng upo ng dumating na si Waylen.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kaniya ngunit malamig na tingin lamang ang ipinukol niya sa akin at saka nilagay ang gamit niya sa upuan na katabi ko. Pagkatapos ay pumunta na siya sa likod.

Napasimangot ako sa pakikitungo niya sa akin. Aba loko to ah, talagang pinanindigan niya yung away namin kahapon. Concern lang naman ako sa kaniya haist tas mag-iinarte siya ng ganyan?! Hindi ko na lamang siya pinagtuonan ng pansin dahil baka lalo pa akong mainis sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na ang adviser namin. Medyo nailang pa nga akong tingnan siya lalo na at hindi ako nakapagpaalam nung nakaraan sa kaniya na pauwi na ako. Ngumiti lamang ito sa akin saka nagsimulang magklase. Ang alam ko ay napahinto na ng tuluyang ang issue tungkol sa kanila ni Waylen sa tulong na rin ng mga administrator ng school.

Makalipas siguro ang halos isang oras ay natapos na ang diskusyon ni Mrs. Alvarez. Grabe, ang sakit sa ulo ng lesson namin.

"All right, guys! Before I leave, gusto ko lang sabihin na we will be having a fieldtrip. Kaya sa mga di pa nagbabayad ng miscellaneous diyan ay magbayad na para makasama kayo," anunsyo ni Mrs. Alvarez. Hindi gaya sa ibang school, mandatory sa amin ang pagsama sa fieldtrip kaya nakalagay na ito sa miscellaneous expenses namin tuwing enrollment.

"Sa mga bayad na, pwede na kayong magpalista kay class monitor para makuhanan na namin kayo ng personalized ticket," dagdag pa ni Ma'am saka tumingin sa akin. Tumango lamang ako.

"If you don't have any more questions, goodbye class!" paalam niya sa amin.

Tumayo naman kami atsaka sabay-sabay na nagpaaalam, "goodbye Mrs. Alvarez!"

***

Natapos ang klase namin para sa lahat ng morning subjects namin pero hindi bumalik sa tabi ko si Waylen. Hindi ko na lamang siya sinaway kahit pa ako ang class monitor dahil baka lalo lang kaming magsabong.

"Tara na, hinihintay na daw tayo ni Liam sa cafeteria," pag-aya sa akin ni Sammy habang nag-aayos ako ng bag ko.

"Sige, tara na," wika ko pagkatapos kong isuot ang aking bag.

"Danny nakapagbayad ka na ba dun sa fieldtrip?" biglang tanong sa akin ni Sammy habang naglalakad kami sa hallway.

"Hmm... hindi pa nga, eh. Baka magpromissory note na lang ako," saad ko sa kaniya.

"Pahiramin na lang kaya muna kita kaysa magpenalty ka na naman," suhestiyon niya pero mabilis din akong umiling.

"Gagawan ko na lang ng paraan. Ikaw na nga nagbayad ng bills natin this month, eh," nahihiyang turan ko sa kaniya.

"Eh ano naman? That's what friends for diba," saad naman niya kaya napangiti ako.

"Ibalato muna sa akin yung fieldtrip, magagawan ko yan ng paraan," pagkumbinsi ko sa kaniya. May ipon naman ako. Titingnan ko lang kung kakasya. Kapag hindi, magbibigay na lang ulit akong promissory note.

"Oh sige pero pag di mo kaya, magsabi ka sa akin, ah," saad niya.

Tumango naman ako. Hindi na kami muling nag-usap ni Sammy hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. Mabilis naman naming nakita si Liam dahil sa usual spot na siya umupo na para bang inangkin na namin ang pwestong yun.

"Wow! I am ready ka, ha. Naka-order ka na agad," manghang pahayag ko ng makarating na kami sa kinaroroonan niya.

"Syempre nagtext ito na gutom na daw kayo kaya umorder na ako," sagot niya saka tinuro si Sammy na busy ng kumain.

Antebellum Series #3: I Run To YouOnde histórias criam vida. Descubra agora