KABANATA 13: PAGLAMBOT NG PUSO

14 2 0
                                    

DANICA'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng eskwelahan namin. Lunes na naman kasi, ang pinaka-ayaw kong araw sa buong isang Linggo dahil ito ang simula ng limang araw na pag-aaral. Napahinto ako sa paglalakad ng may matanaw akong pamilyar na mga tao sa field ng school namin. Kaya naman agad kong tinungo ito.

" Oh " tanging nasambit ko dahil sa gulat ng makumpirma ko na si Waylen at Liam ang nakita ko sa field.

Hindi ko na pigilang mapangiti sapagkat sinasabayan ni Waylen ang pag-eensayo ni Liam. Isang bagay na matagal niya ng hindi ginagawa. Lumingon sa kinaroroonan ko si Liam at nung napansin niya siguro ako ay niyaya niya si Waylen na lumapit sa akin.

"Good morning class monitor. Ang aga mo namang pumasok," bati sa akin ni Liam.

Ngumiti naman ako, "good morning, Liam. Sabi ko naman sa iyo Danica na lang ang itawag mo sa akin," pagsaway ko sa kaniya. Tumawa naman ito.

"Good morning seatmate," pagbati ko kay Waylen saka ngumiti ng matamis.

"Good morning," tipid niyang sagot sa akin.

"Aba ang tipid naman sumagot ngayon ng ferson, sinusungitan na naman ako niyan," pahayag ko saka tumingin kay Liam na tumatawag ngayon.

"Tss..." tanging komento ni Waylen.

"Sungit," bulong ko naman.

"I'm not," sagot niya sa akin. Pabiro ko tuloy itong inirapan.

"Oh, bago pa kayong mag-away dalawa diyan, kamusta naman yung project niyo?" pag-awat sa amin ni Liam.

"Okay naman. Almost done na sa first half ng task," sagot ko naman sa kaniya.

"Ohh...as expected sa class monitor. Swerte mo bro, si Danica ang naging partner mo," pabirong wika ni Liam saka siniko si Waylen kaya naman sinamaan siya neto ng tingin.

"Anyway, alam mo ba Danica sabi ng doctor ni Waylen na konting conditioning pa ay makakabalik na siya sa pagtakbo kaya naman heto sinasamahan ko magcondition para di tamarin," pagkukwento sa akin ni Liam.

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon," komento ko pero kay Waylen ako nakatingin.

"Tsk, ang daldal mo talaga Liam," inis na wika ni Waylen kay Liam saka ito pabirong sinuntok.

"Ito napakasungit mo. Nagtataka talaga ako kung bakit may mga nagkakagusto pa sa iyo sa lagay na yan," pahayag ni Liam saka tumingin sa akin, "sa tingin mo Danica bakit kaya?" saka ngumiti sakin ng nakakaloko.

Kung hindi lang namin kaharap si Waylen ay binatukan ko na ito dahil halata namang inaasar niya ako, "aba malay ko. Yun nga din pinagtataka ko, eh." komento ko naman kaya sinamaan ako ng tingin ni Waylen. Nagpeace sign na lamang ako at baka maging masungit na naman sa akin ito.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Nagsama pa kayo," tanging nasabi ni Waylen kaya naman nag-apir kami ni Liam kahit na sa loob loob ko ay kinabahan ako na baka magalit siya.

Nagkwentiuhan at nag-asaran pa kami ng kaonti kaya hindi namin namalayan ang oras. Maya-maya pa ay napatayo kami dahil sa pagtunog ng bell na hudyat na limang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase namin. Nanlaki ang mga mata ko sapagkat kung lalakarin ay higit sa limang minuto pa bago kami makarating sa classroo.

"Hudyat na yun na malapit na ang klase niyo, umalis na kayo," natatawang komento ni Liam kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kaniya.

:"Excuse yan kaya ganyan ka-relax," komento ni Waylen kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Lokong Liam to ah!

"Let's go."

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now