KABANATA 3: COUNTERPART

12 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Aish, nasaan ba yung taong yun?!" inis kong bulong sa sarili ko.

Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa buong campus ngunit bigo akong makita ang hinahanap ko. Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko sapagkat naiinis na talaga ako sa taong iyon dahil kulang na lang baliktarin ko na ang mga building dito sa school para makita ko siya, pero wala pa rin. Wala naman akong mapagtanungan sapagkat nagsimula na ang klase at ako na lamang ang nasa hallway. Napagdesisyunan ko ng bumalik sa classroom upang sabihan ang aming adviser na hindi ko makita si Waylen. Pabalik na sana ako sa classroom ng maisip kong pumunta sa rooftop. Ito na lang kasi ang lugar na hindi ko pa napupuntahan pero sino naman kayang matinong tao ang tatambay sa rooftop sa ganito kainit na panahon?

Habang patungo ako sa rooftop ay hindi ko maiwasang maisip kung paano ang katulad ni Waylen na hinahangaan ng lahat ay magbabago ng tuluyan dahil sa isa lamang injury. I mean, hindi ko siya personally kilala ngunit nababanggit din siya sa akin ni Sammy. Bukod daw sa pogi ito ay napakabait at matulungin kaya naman lahat ata ng babae sa campus ay may gusto sa kaniya, maliban sa akin kasi di ko siya nakikita. Well, how could be a nobody like me encounter a sort of campus king, right? Anyway, but I heard that since his injury last summer, he changed drastically into sort of woman hater, which worries me. Baka sungitan niya ako pag nakita niya ako. Buti na lang, matapang ako saka inis na inis na talaga ako dahil sa hindi ko siya makita. Kaya naman dapat umayos siya kung ayaw niyang maranasan ang bagsik ko.

Pagpasok ko sa rooftop ay agad kong iginala ang mata ko ngunit hindi ko siya nakita. Aish, sayang naman effort ko pumunta dito. Paalis na ako nang mapansin ko ang medyo magulong upuan sa likuran ng rooftop kaya naman dahil sa curious ako ay pinuntahan ko ito.

" Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," turan ko ngunit kumunot ang noo ko nang wala akong makuhang sagot sa kaniya. Ni hindi nga siya gumalaw sa pagkakaheads down niya sa arm chair. Talaga bang hindi niya ako pinansin?

Inis akong lumakad patungo sa kaniya. Handa na sana akong sermunan siya dahil pagkatapos kong mapagod kakahanap sa kaniya ay hindi man lang niya ako pinansin? Ngunit natigil ako ng makitang tulog pala siya. Umupo ako sa tabi niya upang gisingin siya ng mapatitig ako sa mukha niya.

" Hmm, in fairness, gwapo ka nga," komento ko. Okay lang naman siguro na i-appreciate ko ang kagwapuhan niya lalo at hindi naman niya ako naririnig.

Pinagmasdan ko ang singkit niyang mata na may mahahabang pilik-mata papunta sa matangos na ilong niya at mapupulang labi. Hindi nga talaga exaggerated ang kwento ni Sammy, talagang mala-artista nga ang itsura niya.

"Hmm"

Mabilis akong tumayo ng makita kong gumalaw siya. Aish! Huminga muna ako nang malalim at saka inayos ang sarili ko. Nakita ko ang slow motion niyang pagdilat. Sheesh, bakit ang pogi niya?

" What are you doing here?" tanong niya sa akin habang nagpupunas ng mata. Ang husky ng boses niya na bagay na bagay naman sa bagong gising niyang itsura.

" Miss?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita muli ito. Gosh, Danica, are you daydreaming?!

" A-ah, I'm Danica, your class monitor," pakilala ko saka inilahad ang kamay ko sa harap niya.

" I don't care. You disturb my sleep," komento nito saka nagheads down muli sa arm chair. Napanganga naman ako sa sinabi nito. Totoo din pala ang tsismis, na-antipatiko ang lalaking ito.

" Well, for your information mister, pinapahanap ka sa akin ng adviser natin kaya tumayo ka na diyan," naiinis kong turan saka hinila ang kamay niya.

" Get lost," iritable niyang turan sa akin saka hinatak ang kamay niya.

Dahil sa lakas ng hatak niya ay napasama ako sa nahatak niya. Agad na umakyat ang dugo ko sa pisngi ng ma-realize ko na nakakandong ako sa kaniya.

" Bastos," inis na sigaw ko saka mabilis na umalis sa pagkakandong niya sa akin at ginawaran siya ng sampal. Teka, bakit ko ba siya sinampal?

Napalunok naman ako ng makita ang pag-itim ng aura niya kasabay ng pagtayo niya. Napa-atras naman ako ng makita na naglalakad siya papalapit sa akin.

" Hu-huwag kang lalapit," pagbabanta ko sa kaniya ngunit mas lalo itong ngumisi ng maramdaman ko na wala na akong ma-atrasan. Shesh, nasa pader na ako.

" Katulad ka din ng ibang babaeng nagkakainteres sa akin, class monitor," nakangising turan niya.

" Ang kapal mo. Ikaw ang humatak sa akin kaya napaupo ako sa iyo," sigaw ko sa kaniya at tiningnan ang paligid para makatakbo ako.

Ngunit bago ako makatakbo ay inilagay niya ang magkabila niyang kamay sa pader na sinasandalan ko.

" Oh, saan ka pupunta? Hindi ba may kailangan ka sa akin?" nakangisi pa rin niyang turan.

" Tu-tumabi ka nga diyan. Kailangan na nating bumalik sa classroom," nauutal kong asik sa kaniya. Napalunok naman ako nang nagbago ang ekspresyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang unti unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Nang dalawang pulgada na lang ang pagitan na lamang ang pagitan namin ay napapikit ako. Ilang segundo siguro akong nakapikit ng marinig ko ang malakas niyang pagtawa kaya agad akong napadilat. Sinamaan ko ito ng tingin. Loko to ah, pinagtitripan ako.

" What? Are you disappointed? Pwede ko namang ituloy, sabihin mo lang," natatawa niyang turan.

Agad siyang tumigil sa pagtawa ng matamis akong ngumiti sa kaniya at inilapit ang mukha ko. Inilagay ko din ang kamay ko sa likuran niya. Nakita ko ang bahagyang paglunok niya. Nais ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil baka masira ang plano ko.

" In your dreams," asik ko saka inapakan ng pagkalakas-lakas ang paa niya saka kinuha ang cellphone na nasa bulsa niya. Patakbo kong tinungo ang pinto ng rooftop habang naririnig ko ang pagmumura niya.

Bago ako lumabas ay tiningnan ko siya na kasalukuyang hawak-hawak ang paa niya. Syempre mabait pa naman ako at hindi ko inapakan ang paa niyang may injury. Though dahil sa lakas ng pagkakaapak ko sa kaniya ay mamilipit talaga siya lalo at sinama ko na ang sama ng loob ko sa pag-apak ko sa kaniya.

" If you want to get this, go back to the classroom," sigaw ko sa kaniya saka iwinagayway ang cellphone niya.

" You---"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong tumakbo paalis ng rooftop. Aba, sa itsura niya ay mukhang mangangain na siya ng tao. Natatandaan ko pa rin naman na kasali siya sa sprint team ng school namin at baka mahabol niya ako kaagad. Hindi ko naman talaga gustong kunin ang cellphone niya, sadyang hindi niya lang ako binigyan ng choice. Dahil bukod sa pinagtripan niya ako ay mukhang hindi siya sasama sa akin sa classroom kung hindi siya dadaanin sa dahas. Nagmamadali na akong tumakbo sa classroom at baka maabutan niya pa ako.

ITUTULOY!

AUTHOR'S NOTE:

Feel free to leave some comments guys. Gusto ko malaman if natutuwa pa ba kayo sa story na ito? HAHA Saka gusto ko din malaman if may hula na kayo sa aking plot.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now