KABANATA 9: SCHOOL PROJECT

7 2 0
                                    

DANICA'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ngayon. Lunes na naman kasi kaya papunta ako sa classroom namin. Hindi ko talaga lubos maisip na kahit weekends ay nagkita pa rin kami ni Waylen. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o magpasalamat dahil sa tulong niya sa akin,

>>> FLASHBACK

" Tsk, talaga bang lapitin ka ng kaguluhan?" tanong niya sa akin saka inabot ang bag ko.

" Wa-Waylen," Hindi makapaniwalang tawag ko ulit sa pangalan niya.

" Yah, hindi ako multo," sarkastikong turan niya sa akin.

"A-ah, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya dahil ang alam ko yung inapakan nung magnanakaw ay yung paa kung nasaan ang injury niya.

Ngumisi naman ito sa akin saka nagsalita, "kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin? Don't tell me gusto mo ko,"

Napanganga naman ako sa sinabi neto. "Asa ka naman!" asik ko sa kaniya. Nakita ko naman ang bahagyang ngiti neto pero agad din itong nawala.

"Good. Kasi kung gusto mo ako, bawal ka sumingit. May pila para sa mga taong gusto ako," nakangisi niyang turan saka ako tinalikuran.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot pa at nagsimula na siya maglakad papalayo sa akin. Ang taong yun, napakahambog talaga! Padabog akong umalis sa lugar na iyon. Hanggang sa pag-uwi ko ay nakasimangot pa din ako. Tinatanong pa nga ako ni papa pero wala ako sa mood magkwento kaya naman nagsabi na lamang ako sa kaniya na napagod ako kaya magpapahinga na lang muna ako sa kwarto ko.

>>> END OF FLASHBACK

Sinuklay ko na lamang ang aking buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba, naiinis lang talaga ako sa kayabangang taglay ng taong yun. Napahinto naman ako sa paglalakad ng mapansin ko na nasa tapat na pala ako ng classroom namin. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa classroom. Okay, Danny, bawal ang bad vibes ng Lunes dahil bad vibes ka na buong linggo niyan! Saktong paglapag ko sa mga gamit ko ay tumunog na rin ang bell, hudyat na simula na ng klase.

"Good morning, everyone!" masiglang bati sa amin ni Mrs. Alvarez. Grabe, ang speed ni Ma'am, kakatunog lang ng bell, andito na siya agad.

Nagsitayuan naman kaming magkakaklase, "Good morning, Mrs. Alvarez," sabay-sabay naming bati sa kaniya. Ngumiti naman ito sa amin saka kami sinenyasan na maupo na kami.

Pag-upo namin ay nagsimula na siyang mag-attendance, "Waylen Alvarez?" tawag ni Ma'am kay Waylen sabay tingin sa direksyon ko. Napatingin tuloy ako sa upuang katabi ko. Ngayon ko lamang napansin na wala pala si Waylen.

"Ms. Concepcion, nasaan na naman ang katabi mo?" tanong niya sa akin. Aba malay ko, Ma'am. Mukha ba akong lost and found?

Kinagat ko ang aking labi dahil sa iniisip ko saka sumagot sa kaniya, "hindi ko po alam."

Napailing naman si Ma'am sa sagot ko, "Tell Mr. Alvarez to see---"

Napahinto si Ma'am sa pagsasalita ng may kumatok sa pintuan. Kaya naman lahat ng atensyon namin ay napunta roon.

"Good morning po. I am sorry I am late," paghingi ng despensa ni Waylen. Tila nga nagulat pa si Ma'am dahil sa sinabi nito.

"May I come in?" di siguradong tanong ni Waylen ng mapansin niyang natigilan si Ma'am.

"Y-yes," nauutal na sagot ni Ma'am, "but next time, don't be late," pahabol nito.

Tumango lamang si Waylen saka naglakad papunta sa direksyon ko. Tiningnan muna ako nito bago siya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ang atensyon ko kay Ma'am. Pagkatapos magcheck ng attendance si Ma'am Alvarez ay may isinulat ito sa white board na ikinakunot ng noo ko. Show me the real you?

Antebellum Series #3: I Run To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon