KABANATA 14: SPORTS FEST

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Good morning, class." Sabay-sabay kaming napatayo dahil sa masiglang pagbati sa amin ng adviser namin.

Napatingin ako sa relo ko at kumunot ang noo ko ng mapansin na wala pang alas otso ay nandito na agad si Ma'am sa classroom.

" Alam ko na naguguluhan kayo kung bakit andito na ako kahit na hindi ko pa oras sa inyo. Magkakaroon kasi ng meeting ang mga teacher ngayon kaya free ang inyong first period," paliwanag ni Ma'am. Nabasa niya kaya ang nasa isip ko?

" Dumaan lang ako dito upang mag anunsyo ng isang mahalagang okasyon sa ating paaralan."

Lahat ay naging interesado dahil sa naging pahayag ng aming adviser. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious kung tungkol saan ang anunsyo.

"Sa Huwebes na magsisimula ang first leg ng annual sports fest competition natin kasama ang iba't-ibang school," anunsyo ni Ma'am. Nagsimulang magbulong-bulongan ang mga kaklase ko habang ako ay nawalan na ng interes sapagkat hindi naman ako mahilig diyan.

"At kung iniisip niyong hindi magparticipate ay huwag niyo ng tangkain. Lahat ay required sumali maliban na lamang sa may medical problem provided na may letter galing mismo sa doctor."

Umani ng samu't saring reaksyon ang sinabi ni Ma'am. Maging ako ay nadismaya dahil sa anunsyong yun.

"Class monitor..." Napatayo ako sa gulat ng marinig kong tawagin ako ng adviser namin. Ang iba sa mga kaklase ko ay lihim na natawa sa naging reaksyon ko. Ano ka ba naman Danica?! Nakakahiya.

"Psh, that's what you get for not paying attention," usal naman ng katabi ko. Mahina lamang ito ngunit malinaw ko namang narinig ang sinabi niya kaya naman pasimple ko siyang pinalo.

"Ikaw ang bahalang kumolekta ng mga sasalihan nila. Make sure na lahat magpaparticipate," utos niya sa akin saka may pinaabot sa kaklase ko na papel.

Pagkakuha ko neto ay muli siyang nagsalita, "I need that form until tomorrow afternoon," wika niya. Tumango naman ako.

"If you have no other question, maiiwan ko na kayo," wika niya.

Ilang minuto siyang naghintay upang may magtanong kaso mukha namang walang gustong magtanong kaya naman umalis na rin ito. Pagkaalis ng aming adviser ay nagsimula na ang mga kaklase ko na mag-voice out ng saloobin nila. Hinayaan ko muna sila dahil maging ako ay hindi rin sigurado kung ano ang sasalihan.

"Oy Danny, ano sasalihan mo?" rinig kong bulong sa akin ni Samantha sa may likuran ko kaya hinarap ko siya.

"Hindi ko pa alam, eh. Ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. Siya na lang muna ang uunahin ko sa listahan.

"Tinatanong pa ba yan, syempre sprint..." confident niyang sagot sa akin, "ikaw din ba?" tanong niya.

Umiling naman ako, "alam mo naman na ayaw ko na magsprint. Hmm... baka sa badminton na lang ako sumali," sagot ko sa kaniya. Tumango-tango naman ito.

Isinulat ko na ang pangalan ko sa may form pati na rin yung kay Sammy. Pagkatapos ay napatingin ako kay Waylen.

"Anong tinitngin-tingin mo diyan? Alam kong pogi ako," bulalas niya kaya naman napairap ako sa kawalan. Kahit na medyo bumait na siya ay sobrang mahangin pa din.

"Sasali ka ba sa sports fest?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako na parang nag-iisip.

"Magandang opportunity 'to para mas makondisyon ka," dagdag ko pa para pumayag siya.

"Hmm... pag-iisipan ko," sagot niya saka sumubsob sa mesa.

"Eh? Okay na yan. Nakakatakbo ka na nga kani---"

Antebellum Series #3: I Run To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon