KABANATA 24: ISSUE

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

Humihikab ako habang naglalakad sa hallway ng aming paaralan. Ewan ko ba pero dahil sa mga pinagsasasabi sa akin ni Sammy ay nagkaroon ng gulo sa isip ko hanggang sa hindi na ako nakatulog pa kagabi. Tsk, pero impossible naman talaga na magkagusto ako sa Waylen na iyon.

"Good morning." Awtomatiko akong napangiti ng masilayan ko si Waylen. Wait, am I really smiling?!

"G-good morning," medyo naiilang pagbati ko din sa kanya saka umupo sa tabi niya.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka, eh. May sakit ka ba?" sunod-sunod niyang tanong saka inilagay ang palad niya sa noo ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya saka inalis yun sa noo ko, "I'm fine," saad ko. Danica, kumalma ka! Ginugulo lang ni Sammy ang utak mo!

"Okay... Sungit," bulong niya. Hindi ko na lamang siya pinansin. Hindi naman niya ako kinulit kaya mabuti na rin yun.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase. Habang nagkaklase ay napapansin ko na tumitingin sa aming pwesto ang ilan kong mga kaklase saka sila magbubulongan. Ano na naman kaya ang problema nila?! 

Buong umaga ay naglessons lang kami dahil naghahabol daw sila ng lesson para sa exam. Kaya naman pagod na pagod na ang utak ko. Buti na lang ay lunchbreak na. Sabay-sabay na kaming tatlo na lumabas ng classroom upang pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang hinihingal na si Liam.

"Buti, naabutan ko kayo dito who!" hiyaw niya na parang pagod na pagod siya. Kumunot naman ang noo ko.

"Anong meron?" tanong ko sa kaniya. I know something is wrong since kanina pa kami pinagtitinginan.

Nag-aalangan naman na nagpalit-palit ang tingin sa amin ni Liam na tila hindi niya alam kung dapat bang sabihin niya ang nalaman niya.

"What is it?" kunot noo na ding tanong ni Waylen.

Nanginginig na inangat ni Liam ang cellphone niya. Tinitigan ko naman maigi ang nasa picture at napasinghap dahil sa na-realize ko. 

"Kumakalat na yan sa buong campus..." balita niya sa amin saka kami sabay-saby na tumingin kay Waylen na mukhang kakain na ng tao.

"Ginagawa na ng faculty ang lahat para itake-down yung post pero sobrang dami na ng shared kaya mahirap ng i-contain," paliwanag ni Liam. Nanatiling walang imik si Waylen samantalang gulat na gulat naman ako. Paano ba naman kasi larawan ito ni Waylen kasama ang aming adviser!

"Kumain na kayo, may pupuntahan pa pala ako," pambabasag ni Waylen sa katahimikan.

"Pero—-" Hindi na natapos ni Liam ang sasabihin nito dahil tumakbo na si Waylen papalayo.

Sinubukan namin siyang habulin ngunit hindi namin siya naabutan kaya napagdesisyunan na namin na pabayaan na lang ito at kumain na. 

Pagtapos naming kumain ay bumalik na din kami sa classroom. Maya-maya pa ay nagsimula na ang panghapong klase. Ngunit hindi pa rin bumabalik si Waylen samantalang lumilipad naman yung isip ko dahil sa larawan na iyon.

***

Tapos na ang klase namin at kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school. Hindi kami sabay ngayon ni Sammy dahil may dinner daw sila ng pamilya niya.

"Iris!" Napahinto lamang ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko ang kumakaway na si Atlas.

"Oy, Atlas!" bati ko sa kaniya ng makalapit ako. "Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Hinihintay ka," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Ha? Bakit?" takang-tanong ko dahil wala naman akong maalala na may usapan kami.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now