KABANATA 25: PAGBIBIGAY LINAW

15 2 0
                                    

DANICA'S POV

Tahimik akong naglalakad papunta sa condo apartment nila Waylen. Kahit nagdadalawang isip ay pumunta pa rin ako dito. Paano ba naman kasi ilang beses ko na siyang tinatatawagan ngunit hindi naman niya ako sinasagot. Simula ng pumutok ang issue niya at sa aming adviser ay naging mailap na ito sa akin. Hays, ano kayang problema nun?

Nakailang doorbell pa ako bago bumukas ang pinto at iniluwa noon ang taong hindi ko ine-expect na makita.

"Oh, Ms. Concepcion, pupunta ka pala ngayon. Wala naman nabanggit sa akin si Waylen. Tuloy ka," wika niya saka mas pinalawak ang pagbukas ng pinto.

"Ma-magandang umaga po," bati ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya saka ako sinenyasan na pumasok na sa loob ng condo. Inilibot ko ang tingin ko ngunit walang bahid ni Waylen sa loob.

"Ate Danica!!!" masayang tawag sa akin ni Candy saka patakbong lumapit sa akin.

Umupo naman ako upang salubungin ang yakap niya. "Kamusta ka naman Candy?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ko siyang bitiwan.

"Ayos lang po ate, Danica," masayang wika ni Candy sa akin.

"Candy, wala bang sinabi si Waylen kung saan siya pupunta?" tanong ng adviser namin kay Candy.

Tumingin naman sa kaniya si Candy sabay iling, "wala po, Mommy!" sagot niya.

Mommy? Nagulat ako dahil sa sinabi ni Candy saka tumingin sa adviser namin. Ngumiti naman ito sa akin.

"Ganun ba? Oh sige, maglaro ka na lang muna roon Candy habang may pag-uusapan muna kami ni Danica," pahayag ng adviser namin kay Candy.

"Okay po!" sagot ni Candy saka tumakbo papuntang sala.

"Maupo ka muna, iha," saad ni Mrs. Alvarez saka tinuro ang bakanteng upuan sa likod ko. Wala sa sariling sinunod ko siya dahil hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang nangyayari.

"Anong gusto mong inumin? Water, juice, or coffee?" tanong niya sa akin.

"Tu-tubig na lang po," nahihiyang sagot ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito sa akin saka pumunta sa ref upang kumuha ng isang basong tubig. Pagkatapos ay bumalik na ito sa kinaroroonan ko at inabot sa akin yung baso.

"Salamat po," saad ko pagkatapos ay ininom ko na yung tubig sa baso.

Si Mrs. Alvarez naman ay umupo sa upuan na nasa harapan ko, "pasensya ka na at sa ganitong paraan pa tayo nagkita," panimula niya.

"Wa-wala po yun. Pasensya na po at hindi ko po alam na kayo po pala yung stepmom ni Waylen," nahihiyang saad ko dahil muntik ko na talaga paniwalaan ang tsismis na may relasyon silang dalawa ni Waylen.

"Ayos lang yun. Ewan ko ba sa kabataan ngayon, lahat na lang ay ginagawan nila ng issue kahit pa hindi naman totoo," malungkot na pahayag ni Mrs. Alvarez.

"Anyway, ayun nga, I am Waylen's stepmom pero ayaw niyang ipaalam sa mga kaklase niyo. Kaya rin ayaw niyang pumasok noong first day of class," pagkukwento niya.

Tumango naman ako. Kaya pala ganun lagi ang reaksyon niya sa tuwing nakikita namin si Mrs. Alvarez. Pero medyo ang slow ko din pala kung tutuosin dahil hindi ko nalamang agad yung posibilidad na magkamag-anak sila since parehas sila ng surname/

"Actually kinausap ko lang si Waylen nung time na kinuhanan yung picture para sabihin na tumataas na ang grades niya kaya pwede na siyang mag-apply for varsity scholarship," nakangiting pagbalita niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang matuwa dahil doon.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko, "dahil yun sa iyo, kaya maraming salamat," sinserong turan niya sa akin.

Umiling naman ako, "deserve po ni Waylin lahat ng natatamasa niya ngayon. Nakita ko po yung pagpupursigi niya," nakangiting saad ko. Ayaw ko naman maging credit grabber na lang.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now