KABANATA 22: KABOG NG DIBDIB

8 2 0
                                    

DANICA'S POV

Pagkatapos naming gawin ni Waylen yung pangalawang bahagi ng project namin ay napagdesisyunan na naming tapusin ang araw na ito.

"Ihatid na lang muna kita sa terminal," wika ko sa kaniya pagkatapos kong ligpitin ang ginawa namin.

"Huwag na. Gabi na rin baka mapano ka pa pagbalik mo dito," pagtanggi niya,

"Pero di naman pwede na pabayaan kita maglakad diyan sa kalsada mag-isa," sagot ko naman.

Pinitik naman niya ang noo ko, "wag ka ngang makulit. Lalaki ako, kaya ko ang sarili ko," wika niya.

"Hindi, ayaw ko!" di ko pagsang-ayon sa sinabi niya. Natatakot lamang ako na baka mangyari muli iyong pangyayaring iyon.

"Tsk... wag---" Hindi na natapos ni Waylen ang sasabihin niya ng marinig namin ang bahagyang pagtawa ni Papa. Naguguluhan tuloy kaming tumingin sa kaniya.

"Ganiyan din kami nagsimula ng mama mo, Danica." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Papa.

"Papa naman, eh," reklamo ko sa kaniya saka lihim na tiningnan si Waylen. Gusto ko lang naman malaman reaksiyon niya pero nakapoker face lang ito. Wow ha! Hindi ba ako kagusto-gusto?!

"Dito ka na matulog, iho," saad ni Papa saka tumingin kay Waylen. Nanlaki naman ang mga mata ko at umawang ang bibig ko dahil sa narinig ko.

"Nakakahiya naman po. Medyo maaga pa naman po, pwede pa ako byumahe," wika ni Waylen saka napahawak sa batok. Yan, tama yan. Mahiya ka!

"Wag ka na mahiya. Parang anak na ang turing ko sa iyo," wika ni Papa. "Isa pa, maganda din na sabay na lamang kayong bumalik ni Danica sa Manila para naman hindi byumahe mag-isa ang anak ko," dagdag niya pa.

"Sige po," pagpayag ni Waylen saka tumingin sa akin. "Okay lang ba iyon sa iyo?" tanong niya.

"Ma-mas maganda nga yun na nandito ka," wika ko saka umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam pero bumibilis talaga ang kabog ng dibdib ko sa tuwing tumitingin siya sa akin.

"Pwede pong makitawag lang para naman hindi mag-alala si Candy at yung step mom ko," halos pabulong niya ng sinabi yung mga huling salita na binigkas niya.

"Kay Danica ka na lamang makitawag dahil wala akong load," wika ni Papa saka tumingin sa akin. Tumango lang naman ako.

"Mag-ayos muna kayo diyan at maghahanda ako ng hapunan natin," paalam ni Papa saka lumabas ng kwarto ko. Gaya kanina ay hinayaan niya lang iyong bukas.

"Ibalik mo na lang sa akin kapag okay na. Tutulungan ko lang si Papa," wika ko sa kaniya saka inabot ang cellphone ko.

"Salamat," nakangiting saad niya. Umiwas na lamang ako ng tingin saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Gosh, ano ba talagang nangyayari sa akin?

***

"Pinabibigay ni papa para makapagbihis ka na," wika ko saka inabot sa kaniya ang mga damit ni papa. Katatapos lamang naming kumain kaya andito na muli kami sa kwarto ko.

"Salamat," saad niya pagtapos ay binalot na kami ng katahimikan.

"Ahm..." pambabasag ko sa katahimikan namin. "Anong sabi pala ng stepmom mo?" nag-aalangang tanong ko sa kaniya. Shookt, bakit ayun pa ang naitanong ko.

"Hindi ko alam. Kay Liam ako tumawag kanina. Pinasabi ko na lang," sagot naman niya. Napatango na lamang ako dahil ayaw ko ng panghimasukan ang buhay nila.

"Di-dito ba ako matutulog?" hindi siguradong tanong niya sa akin.

Umiling naman ako, "kayo daw ni papa ang magtabi sa higaan. Umalis lang siya saglit para tingnan ang resto," paliwanag ko.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now