KABANATA 11: OTHER SIDE

7 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Ang tagal naman nung lalaking yun?" Naiinis kong bulong na maririnig lamang ng aking sarili.

Kasalukuyan akong nandito sa parke dahil sabi ni Waylen, dito na daw kami magkita upang simulan ang project namin. Ngunit isang oras na ang nakakalipas mula sa itinakda niyang oras ng aming pagkikita pero wala pa rin siya rito hanggang ngayon. Kapag talaga dumating siya, makakatikim talaga siya ng sermon sa akin.

" Sorry, I am late." Rinig kong turan ng nasa likod ko kaya napaharap ako. Doon ay nakita ko angf hingal na hingal at pawis na pawis na si Waylen.

"Bakit naman ang tagal mo?" tanong ko. Hindi ko na din naitago ang inis ko dahil sa pinaghintay niya ako ng higit isang oras.

"Pasensya na. Umalis kasi yung mama ng kapatid ko kaya inasikaso ko muna siya bago ako pumunta dito. Wala naman akong number mo para kontakin ka," mahabang paliwanag niya saka ako tiningnan sa mata. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

Kinuha ko ang cellphone ko at inabot sa kaniya, "here."

Nagtataka lamang niya akong tiningnan kaya naman muli akong nagsalita, "ilagay mo yung numbet mo diyan para sa susunod pwede na kitang tawagan in case na ma-late ka uli sa oras ng usapan."

Agad naman niya itong kinuha saka nagsimulang magtipa. Pagkatapos ay ibinalik na niya sa akin ang cellphone ko.

"Ilagay mo na din yung number mo sa phone ko," wika niya saka inabot sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko din ito at saka tinipa ang number ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na din ang phone niya sa kaniya.

"So, saan tayo?" tanong ko upang basagin ang katahimikang bumalot sa pagitan naming dalawa.

Humawak naman siya sa kaniyang batok bago magsalita, "wala kasing kasama yung kapatid ko since yung mama niya ay may meeting. Pwede ba na doon na lamang tayo?" tanong niya.

"Hmm, pwede naman," mabilis na sagot ko.

"Talaga? Wala bang problema sa iyo yun? I mean, di ka ba maiilang?" nahihiyang tanong niya sa akin. Di ko tuloy mapigilang mapangiti sa pamumula ng tainga niya. How cute... Err, I mean, bakit kaya ganiyan reaksyon niya?

"Hmm, hindi naman. Nandoon naman ang kapatid mo... at saka, madali lang magspeed dial kapag may ginawa kang masama sa akin," pabiro kong wika sa kaniya.

"Asa ka naman. Hindi nga kita type," asik niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Dami mong arte, di mo naman pala ako type," pang-aasar ko sa kaniya saka tumawa.

Napahinto na lamang ako sa pagtawa ng mapansin na nakatingin lamang siya sa akin.

"Ba-bakit ganiyan ka makatingin?" naiilang na tanong ko saka umiwas ng tingin sa kaniya.

"Hindi ka mukhang nakakatakot kapag nakangiti ka. Dapat dalasan mo yan," inosenteng suhestiyon nito.

"Mukha ba akong nangangain kapag di nakangiti?" sinadya kong pagmalditahin ang boses ko upang makita kung may magbabago ba sa reaksyon niya.

"Mukha kang tigre," mabilis na sagot niya kaya natawa ako.

"Lahat ng kakilala ko ay ayan ang first impression sa akin," natatawang saad ko.

"Mukha ka kayang kuting ng una tayong magkita." Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kaniya.

"Basta... Oh, tara na, anong oras na pala?" pag-iiba niya ng usapan. Minsan talaga ang weird ng lalaking 'to.

"Eh, ano nga?" pangungulit ko habang sinusundan siya dahil nagsimula na siya maglakad. Aish, ito talaga ang epekto pag curious kang tao

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now