KABANATA 6: TSISMIS

8 2 0
                                    

DANICA'S POV

Lumipas ng isang linggo ngunit hindi pa rin pumapasok si Waylen. Bakas din sa aming adviser ang pag-aalala sa kaniya, ngunit wala ni isa man sa amin ang may alam ng contact info niya. Sinubukan ko ding hanapin si Liam ngunit hindi din nagtatagpo ang aming landas dahil sa trainings niya.

" Class monitor, may naghahanap sa iyo sa labas!"

Agad akong napatingin sa classmate ko na tumawag sa akin na may bahid ng pagtataka sapagkat wala naman akong ine-expect na maghahanap sa akin.

" Bakit daw?" tanong ko pero tumayo na rin ako upang puntahan ang naghahanap sa akin. Nagkibit-balikat lamang yung classmate ko kaya naman ako na lamang ang lumabas ng classroom namin.

Napakamot naman ako sa ulo ng wala akong makita kung sinuman ang naghahanap sa akin sapagkat may pinagkakaguluhan na naman yung mga babae sa ibang section.

" Class monitor!" Papasok na sana ako ng classroom ng marinig ko ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng tumawag sa akin. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina, siya pala yung pinagkakaguluhan nung mga babae sa ibang section.

" Oh, Liam, bakit mo ako hinahanap?" tanong ko sa kaniya pagkatapos niyang makalapit sa akin.

" Andiyan na ba si Waylin?" tanong niya sa akin.

" Mukha ba akong lost and found?" sarkastikong sagot ko sa kaniya. Bahagya naman siyang tumawa. So, ano? Clown na din ako ngayon.

" Chill, ang aga-aga ang sungit mo na agad," sagot niya sa akin saka tinaas ang dalawa niyang kamay. Napailing naman ako sa ginawa nito.

Napaseryoso naman ako nang mapansin ko na dumadami na ang audience namin. Kung nakakamatay ang tingin ng mga kababaihan na nakatingin sa akin marahil dead on the spot na ako ngayon.

" Che! Lagi na lang kasi sa akin hinahanap yung taong yun. Mukha ba akong babysitter?" Turan ko saka pinaikot ang aking mga mata. Napanganga naman ako ng biglang humagalpak ng tawa si Liam.

" Maubusan ko sana ng hangin!" Naiinis kong turan sa kaniya. Hindi ko alam kung may kapangyarihan ba yung salita ko dahil bigla naman itong inubo.

" Grabe, nakakatakot ka pala mapikon. Anyway, mukhang wala pa si Waylin sa classroom niyo since hindi pa siya lumalabas dito," sagot niya.

" Ngayon mo lang na-realize, no?" asik ko sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin.

" Huwag ka masyadong masungit, class monitor. Baka mamaya mapagkamalan kang menopause diyan," pang-aasar niya sa akin. Kung wala lang nakatingin ngayon ay nabatukan ko na ito.

" Nice talking to you. Papasok na ako ulit," sagot ko saka tumalikod sa kaniya. Aba, baka mamaya talaga bumulagta na lang ako sa sama ng tingin ng mga babae sa akin.

" Teka, wait lang." Turan niya saka hinawakan ang braso ko. Nilingon ko naman siya saka ibinaba ang tingin ko sa kamay niya. Mukhang na-gets naman niya dahil inalis niya ito agad.

" Pakibigay na lang ito kay Waylin pagdating niya. Pinabibigay ng mama niya pero huwag mong sabihin na galing sa mama niya, ah?" bulong nito sa akin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

" First of all, bakit ko iaabot yan sa hambog mong kaibigan? Pangalawa, bakit hindi ko pwede sabihin? Pangatlo, paano kung ayaw ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Napakamot naman ito ng ulo.

" Ang dami mo namang tanong class monitor, eh. Tinalo mo pa yung strict teacher ko sa Math," pagrereklamo nito pero tinaasan ko lamang siya ng kilay.

" Okay, una, ikaw lang yung kakilala ko dito na pwede kong paki-suyuan. Pangalawa, it's confidential, ayaw ko makakita ng dragon kapag nagalit yun. Pangatlo, sige na please, sa ngalan ng kapogian ko," sagot niya sa akin saka inabot sa akin yung paperbag.

Antebellum Series #3: I Run To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon