KABANATA 15: HUDSON COLLEGE

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Oy Waylen, sasali ka ba sa sports fest o ilalagay kita as excuse?" pangungulit ko sa kaniya. Eh paano ba naman kasi, ayaw pa akong sagutin if sasali ba siya o hindi.

" Pag-iisapan ko pa kaya huwag ka munang magulo diyan," pagsusungit nito saka isinubsob ang kaniyang mukha sa desk niya. Napasimangot naman ako.

" Hintayin ko sagot mo hanggang mamayang lunch. Pinapapasa na sa akin ito mamaya," nakapamewang kong wika sa kaniya kahit na hindi naman niya ako nakikita.

" Oo na, manahimik ka na diyan. Ang ingay at kulit mo," reklamo niya na hindi tumitingin sa akin.

Napanguso naman ako sa inaasta neto. Minsan talaga tinalo niya pa ang babae sa moodswing niya.

"Bahala ka nga sa buhay mo," padabog kong wika saka umalis na sa harap niya. Nababadtrip na din ako kaya naman kaysa mag-away kami ay nilayasan ko na lamang siya.

Naiinis kong binagtas ang papunta sa faculty. Kung ayaw niyang sumali, edi wag niya. Hindi yung pinapahurapan niya ako. Dinadagdagan pa niya ako ng isipin sa buhay. Malapit na sana ako sa faculty ng makasalubong ko si Samantha.

"Oh, sino ba yang pinapatay mo sa isip mo at sobrang salubong ang kilay mo diyan," nagtatakang tanong niya sa akin.

"Si Waylen!" naiinis kong asik sa kaniya.

Tumawa naman ito, "oh? Ano na naman ginawa sa iyo?" tanong niya.

Inirapan ko naman ito, "it's not funny!" saway ko sa kaniya.

Nagtaas naman siya ng dalawang kamay na parang sumusuko sabay sabing, "chill. Ang init na naman ng ulo mo. Ano nga ba kasi ginawa niya?"

"Kahapon kasi siya kinukulit tungkol doon sa sports fest tapos ang sagot niya lang sa akin ay puro mamaya-mamaya. Tas ngayon, mamaya pa din sagot niya," naiinis kong sambong sa kaniya.

"Pfft..." napahagalpak ng tawa si Sammy pagkatapos niyang marinig ang hinaing ko. Minsan talaga iniisip ko kung may sayad ba itong kaibigan ko, eh.

Sinamaan ko na lamang ito ng tingin saka siya nilagpasan pero hinawakan niya yung braso ko kaya napahinto ako.

"Ito naman, pikon ka kaagad Danny eh," pigil-tawang sambit niya sa akin kaya inirapan ko ito.

"Okay, hindi na ako tatawa. Eh kasi naman baka naman kasi iniinis ka lang ni Waylen tapos pikon ka kaagad," paliwanag niya sa akin.

"Kung yun ang gusto ng kababata mo, aba inis na inis na ako kaya bahala siya kung ayaw niya sumali," wika ko sa kaniya.

"Okay okay...Bakit sa akin ka nagagalit?" natatawang tanong niya sa akin.

"Wag mo ng dagdagan ang inis ko Samantha, ha!" saway ko sa kaniya.

"Okay, maiba ako. Saan ka ba pupunta?" tanong niya sa akin.

"Sa faculty. Ipapasa ko na itong form," sagot ko sa kaniya saka pinakita yung form na hawak ko.

"Oh..." wika niya, "hindi mo na ba talaga hihintayin ang sagot ni Waylen?" tanong niya.

"Hindi ako marunong maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan," saad ko.

Napaawang naman ang bibig ni Sammy dahil sa sinabi ko, "ang lalim ng hugot na yan ah," natatawang komento niya.

"Che! Sige na, pupunta na muna ako sa faculty. See you sa room," paalam ko sa kaniya.

"Okay," sagot ni Samantha.

Naging hudyat ko naman iyon para umalis na at dumiretso na sa faculty. Pagdating ko sa faculty ay inilapag ko lamang ang form namin sa table ni Ma'am Alvarez sapagkat nasa meeting daw ito sabi ng ibang teachers sa faculty.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now