KABANATA 21: IDOLO

12 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Sinong inaabangan mo diyan, ha?" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Sammy sa harap ko.

"Bakit ka ba nanggugulat diyan, ha?" asik na saway ko sa kaniya.

"Bakit ka naman magugulat? Dito din naman ako nakatira. Saka kasalanan ko ba na kanina pa kita tinatawag pero ayaw mong sumagot sa akin," nakapamewang niyang pangaral sa akin.

"Ano ba kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman..." saad niya. "Napansin ko lang na parang may hinihintay kang message diyan," dagdag niya saka ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Hinihintay ko lang yung message ni Waylen," pahayag ko. Tumaas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Parang kelan lang sobrang inis ka sa kaniya. Tas ngayon hinihintay mo na siya este ang message niya?" saad naman niya.

"Wag kang malisyosa diyan.," saway ko sa kaniya. "Kapag kasi hindi siya nagmessage sa akin ay uuwi ako bukas sa bahay namin," paliwanag ko.

Tumango-tango naman ito, "eh bakit hindi mo na lang siya tanungin?" tanong niya.

"Kasi sabi niya ite-text niya na lang ako," sagot ko naman sa kaniya.

"Ahh... edi may assurance naman pala kaya kahit wag ka ng tumutok diyan," saway niya sa akin. "Kumain na nga lang tayo. Naihanda ko na ang hapunan," pag-aya niya sa akin saka ako hinatak patayo sa sofa.

"Okay fine," sagot ko na lamang.

Tumayo na sa ako mula sa pagkakahiga ko sasofa at inilapag ang cellphone ko roon. Pagkatapos ay umangkla na ako sa braso ni Sammy at nagsimula ng maglakad papunta sa kusina. Nakakailang hakbang pa lamang kami ni Sammy ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong binitawan si Sammy saka nagmamadaling kinuha ang cellphone ko.

"Excited yarn," natatawang sigaw ni Sammy sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin at chineck kung sino ang nagmessage sa akin. Napasimangot naman ako nang hindi si Waylen ang nag-text.

"Oh? Bakit sumimangot ka diyan? Hindi na ba kayo tuloy?" tanong ni Sammy na naglalakad pabalik sa kinaroonan ko.

Umiling naman ako saka sumalampak sa sofa, "hindi naman si Waylen ang nagtext. Si Atlas," saad ko.

"Oh? Ano sabi?" tanong niya saka umupo sa tabi ko at sumilip sa screen ng cellphone ko.

Pinabayaan ko na lamang siya saka binuksan ang message ni Atlas.

From Atlas:

Hi Iris! Just wanna know if your knee is alright.

To Atlas:

Okay na ako. Salamat

Nilagyan ko ng smiley face ang mensahe ko bago ko ito sinent at saka binaba ang cellphone ko. Napatingin naman ako kay Sammy na seryosong nakatingin sa akin.

"Magkaibigan lang kami," saad ko dahil alam ko na ang ganiyang pananahimik niya.

"Wala naman akong sinabi, ah," sagot niya saka ngumiti sa akin ng nakakaloko.

Pabiro naman akong umirap sa kaniya, "kilala kita mula bumbunan hanggang talampakan. Tigilan mo na ang kaka-issue sa akin kay Waylen at Atlas," saway ko sa kaniya saka tumayo.

"Bakit? Wala namang masama, ah. Highschool sweetheart ganun," pang-aasar niya sa akin.

"Hindi ko na aagawin ang title ng love story niyo ni Liam," pang-aasar ko sa kaniya. Namula naman ito.

Antebellum Series #3: I Run To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon