KABANATA 19: PIGGY BACK

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Ready ka na ba?" tanong Sa akin ni Sammy habang nagsisintas ako ng sapatos.

"May choice ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Tumawa naman ito dahil sa sinabi ko.

"Sorry na nga. Hindi ko naman kasalanan na first day ko ngayon," natatawang wika niya sa akin. Inirapan ko naman siya. Tsk, mukhang masaya pa talaga siya sa nangyari.

"Saka nasa dugo mo naman yung pagiging runner," dagdag niya pa kaya naman napahinto ako sa ginagawa ko.

"Mukhang ready ka na, class monitor."

Sabay kaming napalingon ni Sammy dahil sa boses ni Liam. Malawak ang ngiti nito habang papalapit sa amin habang si Waylen ay nakapoker face na naman.

"Ready ka diyan! Wala akong choice," sagot ko naman sa kaniya nang makalapit na sa kanila.

"Sigurado ka bang tatakbo ka?" tanong sa akin ni Waylen. Tumango naman ako.

"Woy concern siya," pang-aasar ni Sammy kay Waylen kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Baka kasi madapa siya kaya tinatanong ko," sagot niya.

Napataas naman ang kilay ko dahil dito, "as far as I remember ikaw ang nadapa kahapon," pang-aasar ko sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa ni Liam at Sammy dahil sa sinabi ko habang sinamaan naman niya ako ng tingin. Psh... Pikon.

"Wag ka mag-alala kay Danny, nasa dugo niyan ang pagiging runner. Sa katunayan---"

"Excuse me po..."

Napahinto sa pagsasalita si Sammy ng may isang committee na lumapit sa amin. Buti na lang lumapit siya kung hindi ay nabigwasan ko na si Sammy dahil sa kadaldalan niya.

"We will start po in five minutes kaya if ready ka na po, pwede ka nang pumunta sa starting line," wika niyang muli.

Tumango naman ako, "sige salamat."

Ngumiti na lamang siya saka umalis. Humarap na ako sa kanila.

"Wish me luck," kinakabahang turan ko sa kanila.

"Di mo kailangan yun, galingan mo na lang..." nakangiting wika ni Liam. "Ma-swerte ka na lang if umabot ka ng third place," natatawang dagdag niya kaya naman hinampas ko siya.

"Pag ako nanalo, who you ka sa akin," pambabanta ko sa kaniya saka tumingin kay Sammy.

"Galingan mo, iche-cheer ka namin," nakangiting saad niya kaya ngumiti na din ako.

"Take care of yourself."

Sabay-sabay kaming napalingong tatlo dahil sa tinuran ni Waylen. Ayun lang sasabihin niya?

"Okay..." tanging nasabi ko saka tumalikod at humakbang na. Ngunit may humawak muli sa kamay ko kaya nilingon ko ito.

"Kasasabi ko lang na take care of yourself psh..." saad niya saka lumuhod at inayos ang sintas ko.

Narinig ko ang impit na tili ni Sammy habang nakangisi naman si Liam na nakatingin sa amin. Pagkatapos masiguro ni Waylen na maayos na ang sintas ko ay tumayo na din ito.

"Galingan mo," wika niya saka pinitik ang noo ko.

"Aish ang cheesy," wika ni Liam saka umaktong kinikilabutan.

"Wag mo na nga sila pakialaman," asik ni Sammy saka hinatak si Liam. "Tara na humanap na tayo ng magandang pwesto."

"Hindi ka pa ba susunod sa kanila?" tanong ko ng mapansin kong nakatayo pa rin siya sa harap ko.

"I'm serious. Take care of yourself," seryosong pag-uulit niya.

"Oo na... wag ka masyado mag-alala at baka isipin kong may gusto ka sa akin," pagbibiro ko sa kaniya saka siya pinihit patalikod at tinulak upang sumunod na kina Liam at Sammy.

Antebellum Series #3: I Run To YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu