KABANATA 23: FEELINGS?

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Waylin ay mas lalo kong naunawaan ang pinaghuhugutan niya lalo na kung bakit siya nagbago. Ngunit di ko mawari pero parang may kung ano sa aking isip na nais pang halukayin yung nangyari sa injury niya.

"Ano na naman ba ang iniisip mo at tulala ka diyan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lamang sumulpot si Sammy sa harap ko out of nowhere.

"Si Waylen," wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Hmm... What about him?" tanong niya habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Ayan ka na naman sa issue mo," asik ko sa kaniya saka pabiro siyang tinampal.

"At ayan ka na naman sa pagiging defensive mo," natatawang komento niya. Hindi naman ako umimik sa naging pahayag niya.

"So... ano nga meron?" tanong niyang muli sa akin.

"Nagkausap kasi kami ng medyo masinsinan last Saturday," panimula ko.

"Oh tapos?" tanong niya.

Mabilis ko siyang hinarap pagkatapos parang may umilaw na bumbilya sa ulo ko. Kinakabahan naman akong tiningnan ni Sammy.

"Diba close kayo ni Waylen. Anong kwento sa likod ng injury niya last year?" tanong ko sa kaniga.

Bakas naman ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa naging tanong ko, "hi-hindi ko alam," sagot niya saka umiwas ng tingin.

Kumunot naman ang noo ko. Mukhang may nalalaman siya base sa naging reaction niya. Magtatanong sana muli ako ng dumating na si Waylen.

"Good morning," bati niya sa amin. Tumayo naman si Sammy mula sa upuan ni Waylen.

"Pupunta lamang ako ng CR," paalam ni Sammy saka nagmamadaling tumakbo palabas ng classroom.

"Ano nangyari dun?" tanong sa akin ni Waylen.

Nagkibit-balikat lamang ako sabay sabing, "ewan ko baka kanina pa tinatawag ng kalikasan," biro ko naman kaya sabay kaming natawa.

Umupo naman na siya sa tabi ko, "Nga pala, okay na ba yang tuhod mo?" tanong niya.

"Oo, pwede na ulit tumakbo," sagot ko.

Ngumiti naman siya sa akin, "mabuti naman kung ganun," wika niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa dumating na ang aming adviser at nagsimula na ang aming klase.

Makalipas ang halos dalawang oras ay tapos na sa diskusyon si Ma'am Alvarez kaya naman pagkatapos niya magbigay ng assignment ay nagpaaalam na siya. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay lumingon ito sa amin,

"By the way, Mr. Alvarez, see you sa lunch break mo," wika niya saka lumabas ng classtoom. Napatingin naman ako kay Waylen dahil sa sinabi ni Ma'am.

"What?" tanong niya sa akin nang mapansin niya na kanina ko pa siya pinagmamasdan.

"A-ah, may ginawa ka na naman bang kalokohan?" nag-aalangang tanong ko sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko, "wala akong ginawa," sagot niya saka tumayo.

"San ka pupunta?" tanong ko saka hinawakan ang kamay niya.

Ngumisi naman siya saka inilapit ang mukha niya sa tainga ko, "sa banyo. Sasama ka ba?" bulong niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Waylen!" naiinis kong tawag sa kaniya pero huli na sapagkat nakatakbo na siya palabas ng classroom. Sa bilis ng takbo niya ay mukhang okay na ang injury niya.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now