KABANATA 20: TUTOR

11 2 0
                                    


DANICA'S POV

Inaantok at iika-ika akong naglalakad sa hallway. Tapos na ang first leg ng sport fest namin kaya naman balik na sa regular class ang buong school.

"Bakit ka pa pumasok?" Napapitlag ako sa gulat dahil sa nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko naman siya.

"Ikaw pala yan. May lahi ka bang kabute kaya lagi kang sumusulpot ng biglaan?" tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya.

"Psh, alisin mo nga yang kunot ng noo mo, kaya maraming natatakot sa iyo, eh," saad ko.

Pinitik naman niya ang noo ko, "ikaw lang talaga natatakot sa akin. Yung iba naga-gwapuhan,: proud niyang sabi.

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya, "ang yabang mo," asik ko sa kaniya. Tumawa naman siya saka hinawakan ang bag ko.

"Let me carry this," wika niya. Papalag pa lang sana ako pero nakuha na niya ito ng tuluyan. Minsan talaga late ang pagiging pabebe ko. Nagsimula na siya maglakad habang suot-suot ang bag ko at bag niya.

"Do I need to carry you again?" seryosong tanong niya sa akin pagkatapos niya akong lingunin. Mabilis naman akong umiling saka iika-ika siyang pinuntahan.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya, "sigurado ka bang magiging okay ka?" tanong niya sa akin.

"Masyado ka naman nag-aalala sa akin," pahayag ko saka ngumiti ng nakakaloko.

"In your dreams..." wika niya saka pinitik ang noo ko. "Ayaw ko lang buhatin ka ulit papuntang infirmary. Sumakit kaya buong katawan ko pag-uwi ko," saad niya saka ngumisi sa akin.

Agad ko siyang hinampas, "che!" padabog kong saad saka iika-ikang naunang maglakad sa kaniya. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya.

***

"I am not pleased with your quiz result, everyone! Masyado niyo atang pinepetiks ang subject ko porket ba MAPEH lang ito," asik ni Sir Bravo sa amin.

"Class monitor, please hand them their quizzess," utos niya sa akin sabay abot ng mga quiz.

Nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong napangiti ng makita ko ang papel ko sa unahan. Ang ugali kasi ni sir Bravo ay kung sino ang highest ayun yung nasa taas ng file. Pagkatapos kong tupuin ang papel ko ay nagsimula na akong mag-abot ng papel sa mga kaklase ko.

"As expected, class monitor niyo pa din ang highest sa quiz," anunsyo ni Sir Bravo. Agad naman nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Pero hindi ko inexpect ang lowest natin, such a disappointment," wika ni Sir Bravo.

Tumalikod ako sa kinaroroonan niya at pasimpleng tiningnan ang pinakadulong papel. Lihim akong napasinghap ng makita kong kay Waylen ang papel na iyon. Pumunta ako sa backrow upang doon simulan ang pamamahagi ng papel. Naisip ko kasing imbes na sunod-sunod kong ibigay ang papel from highest to lowest ay per row ko na lamang ibigay. Aba! Nakakapagod kayang magpabalik-balik lalo na iika-ika ako.

"May one of you help your class monitor," wika ni Sir nang mapansin niya na ang tagal kong mamigay.

Agad namang tumayo si Sammy upang tulungan ako. Sinigurado ko na naitupi ko na ang papel ni Waylen para di namahalo sa kaniya. Pagkatapos kong maibigay ang natitirang papel ay bumalik na ako sa upuan at inabot ang papel ni Waylen. Nang makita niya ang score niya ay wala man lang akong nakitang emosyon.

"Okay, let's start our discussion for today," wika ni Sir Bravo pero ang isip ko ay lumilipad na naman nang maalala ko ang pag-uusap namin ng aming adviser.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now