KABANATA 4: IRINGAN

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

" If you want to get this, go back to the classroom," sigaw ko sa kaniya saka iwinagayway ang cellphone niya.

" You---"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong tumakbo paalis ng rooftop. Aba, sa itsura niya ay mukhang mangangain na siya ng tao. Natatandaan ko pa rin naman na kasali siya sa sprint team ng school namin at baka mahabol niya ako kaagad. Aba't kahit may injury siya, malay ko ba kung nasa rehabilitation na siya at kaya niya ng tumakbo ulit. Hindi ko naman talaga gustong kunin ang cellphone niya, sadyang hindi niya lang ako binigyan ng choice. Dahil bukod sa pinagtripan niya ako ay mukhang hindi siya sasama sa akin sa classroom kung hindi siya dadaanin sa dahas. Nagmamadali na akong tumakbo sa classroom at baka maabutan niya pa ako.

" Ohh, Miss Concepcion, where have you been? Napakatagal mo namang bumalik," pagalit ng teacher ko.

Huminga muna ako nang malalim bago siya sagutin, " pasensya na po Ma'am. Ang hirap po kasing hanapin ni Mr. Alvarez,"

" And where is he now?" taas kilay niyang tanong sa akin. Nakakaloka to si Ma'am, ang daming tanong, hindi man lang ako paupuin. Haler, pagod na pagod kaya ako kakatakbo.

" Susunod na po siya, nauna lang po ako maglakad," pagsisinungaling ko.

Tumango naman si Ma'am Alvarez kaya naglakad na ako papunta sa upuan ko kanina. Wew, kailangan ko na simulang magdasal na sumunod talaga si Waylen dahil ayaw kong ma-bad shot sa adviser namin in first day of class.

" Psst, sure ka ba na susunod sa iyo si Waylen?" mahinang bulong sa akin ni Sammy.

Nagkibit-balikat na lamang ako bilang sagot sa kaniya kaya naman bakas ang pag-aalala niya sa akin. Bahala na, hindi ko talaga ibabalik sa kaniya ang phone niya pag di siya sumunod. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa mga nakasulat sa blackboard Mukhang nag-oorientation na pala ang adviser namin. Hingin ko na lang mamaya kay Sammy yung notes niya.

" As early as today, dapat iniisip niyo na ang daang tatahakin niyo sa kolehiyo sapagkat hin---"

Naputol ang sasabihin ni Mrs. Alvarez ng may malakas na kumatok sa pinto. Lahat kami ay napatingin kung sino ang kumakatok. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ng makita ko si Waylen. Masaya ba dapat ako dahil hindi ako maba-bad shot kay Ma'am, o dapat bang matakot dahil masama ang tingin niya sa akin?

" Mr. Alvarez, hindi ganiyan ang tamang pagkatok sa pinto," saway ng adviser namin sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pag-ikot ng mga mata ni Aiden. Inirapan niya ba talaga ang teacher namin?

" Pasensya na po, Ma'am," usal niya. Pero bakit pakiramdam ko ay labas sa ilong ang pagkakasabi niya nun?

Bumuntong hininga muna si Ma'am, " Come in and immediately take your seat,"

Hindi na muling nagsalita si Waylen at pumasok nang tuluyang sa classroom. Narinig ko ang mahinang halinghing ng mga girls sa classroom namin pagpasok niya.

" Oemge, sana sa atin siya tumabi," rinig kong turan ng babaeng nasa likuran ko. Tiningnan ko lamang sila saka ibinalik ang atensyon ko sa blackboard.

Kinilabutan naman ako sa presensya ni Waylen noong dumaan ito sa gilid ko. Hindi ko na sinubukang salubungin ang mata niya dahil alam kong nanlilisik iyon. Nakahinga naman ako nang maluwag ng hindi ito umupo sa likuran ko.

" Danny, ano bang ginawa mo kay Waylen? Bakit ganun siya makatingin sa iyo?" tanong sa akin ni Sammy pagkatapos niya akong kalabitin.

Tiningnan ko naman siya, " mahabang kwento. Mamaya ko na lang sasabihin. Makinig muna tayo," Tumango naman siya kaya ibinalik na namin ang aming atensyon sa adviser namin.

Antebellum Series #3: I Run To YouOnde histórias criam vida. Descubra agora