KABANATA 28: SELOSAN

7 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Iris!!!!!"

Agad akong napalingon dahil sa lakas ng boses ng tumawag sa akin. Nakita ko naman siyang papasok din sa bus nila. Mukhang ngayon din pala ang fieldtrip nila. Kumaway na lamang ako saka ngumiti sa kaniya. Pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa bus. Aba, nakakahiya naman kung tumambay pa ako dun at ma-delay ang pagpunta namin sa amusement park.

Pagpasok ko ay masama na naman ang tingin ng ibang mga girls sa akin ngunit hindi ko na lamang yun pinansin at pumunta na lang ako sa upuan ko.

"Mukhang close na close na kayo ni Atlas, ah?" pahayag ni Sammy ng makaupo na ako.

Tiningnan ko naman siya, "magkaibigan kami. Wag mo na lagyan ng bahid ng malisya," pagsaway ko sa kaniya. Alam ko naman kasi talagang mahilig sa issue ang babaeng ito.

"Friends daw..." bulong niya. "Mukha ngang may gusto sa iyo yun," dagdag niya pa.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi na lang pinansin ang komentong iyon ni Sammy. Ayaw ko na muna patulan ang alegasyon niya sapagkat ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Mali talagang nagpuyat ako kagabi. Makalipas siguro ang higit dalawang oras ay nakarating na kami sa amusement park.

" All right students, before kayong bumaba, I want to remind you two things. Una, we will stay here in 3 hours kaya make sure na nakapaglunch na kayo bago kayo bumalik rito sa bus. Pangalawa, may mga kasabay tayong students from other school. Pwede kayong makipagbond sa kanila pero wag kayo makikipag-away," babala sa amin ni Ma'am.

"Okay!" sagot naming lahat.

Tatayo na sana ako sa upuan ko ng mapatingin ako sa bintana at napansin ko na dumating na yung bus na sinasakyan ni Atlas kanina. Kasabay pala namin sila.

"Tara na daw."

Napapitlag ako sa gulat dahil humawak sa balikat ko. "Bakit ka ba nanggugulat?" asik ko sa kaniya.

"Kanina ka pa namin tinatawag, ayaw mo sumagot tapos ikaw pa ang may ganang magalit," kunot-noong asik sa akin ni Waylen.

"Sorry naman. Pero wag kang nanggugulat. Buti na lang wala akong sakit sa puso," asik ko pabalik sa kaniya.

"Hey mamaya na yang away mag-asawa niyo. Hindi natin ma-eenjoy itong amusement park sa tagal ninyo," pagsaway sa amin ni Sammy.

"Sinong mag-asawa?!" asik na tanong ko saka padabog na nilagpasan si Waylen.

Paglapit ko kay Sammy ay binatukan ko lamang ito dahil sa naging komento niya saka buamaba ng tuluyan. Pagbaba ko ay mukha agad ni Atlas ang sumalubong sa akin.

"Hi Iris..." bati niya sa akin. "Bakit ang tagal mo namang bumaba?" tanong niya.

"Hello...Medyo inaantok lang ako kaya mabagal ako kumilos," palusot ko sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang presensiya ni Sammy sa likod kaya gumilid ako sa may bus upang makababa sila.

"Oh? Andito ka pala Atlas..." bati ni Sammy kay Atlas. "Hindi ba maaga pa para ligawan mo ang bestfriend ko?" dagdag niya pa kaya hinampas ko siya sa braso. Kung ano-ano ang sinasabi ng babaeng ito.

"W-wag mo na lang siya pansinin," nahihiyang wika ko.

"Well, she has a point there," sagot naman ni Atlas saka ngumiti sa akin ng malawak. Ano ibig sabihin niya?

"Tss.." Napatingin naman ako kay Waylen dahil sa ginawa niyang tunog. Nakita kong nakakunot na naman ang noo niya. Ano na naman kaya ang problema niya?

"Oh, tara na. Nakabili na ako ng ride-all-you can ticket," masiglang wika ni Liam na kararating lang. Napansin niya si Atlas kaya nag-iba rin ang ekspresyon niya. Bakit kaya? Ganiyan ba talaga magbatian ang mga lalaki?

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now